Isa sa mga inaabangang kaganapan ng mga tagahanga ngayong taon ay ang fan meet ng “PBB Celebrity Collab Edition” ex-housemate na si Shuvee Etrata, ngunit tila may kontrobersiyang bumabalot dito bago pa man ito maganap sa Nobyembre 8, 2025.
“Alam kong hindi lahat ay kayang makapunta, pero sana maintindihan ninyo na ang event na ito ay hindi lang basta meet and greet, ito ay paraan ko para personally magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa akin. Gusto kong makasama kayo, makilala ko kayo isa-isa, at maibalik kahit kaunti ang pagmamahal na binigay ninyo sa akin.” -Shuvee Etrata
Sa halip kasi na libreng makadalo, kailangang magbayad ng ₱1,000 ang mga gustong makasama at makasalamuha si Shuvee sa nasabing event dahilan para umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens at kanyang fandom.
Bagama’t hindi pa inanunsyo ang eksaktong venue, naka-set na ito sa isang events place sa Quezon City. Dahil dito, lalong tumaas ang excitement ngunit kasabay nito ang panghihinayang ng ilang fans na walang kakayahang magbayad.
Mula sa kasabikan, napalitan ng pagkadismaya ang damdamin ng ilan sa mga supporters ni Shuvee matapos malaman ang tungkol sa bayad.
“Excited sana akong makita si Shuvee pero hindi ko afford ang 1K. Sayang,” wika ng isang fan sa social media.
May ilan namang nagtatanong kung ano ang kasama sa ₱1,000 tulad ng freebies, photo ops, o merchandise dahil hindi ito malinaw na nakasaad sa form o sa mismong post ng event organizers.
May mga fans din na umaasang may mag-sponsor sa kanila, lalo na mula sa mga supporters abroad na hindi makakadalo.
Ang fan meet ni Shuvee Etrata ay isang patunay ng matibay na koneksyon sa pagitan ng artista at kanyang mga tagahanga ngunit ipinakita rin nito ang realidad ng fandom culture: hindi lahat ay may kakayahang makadalo kapag may bayad ang ganitong events.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento