Muling binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez na hindi papayagan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang anumang uri ng korapsyon. Ang kanyang pahayag ay kasunod ng panawagan ng mahigit 30 malalaking business organizations at civil society groups na tuldukan ang graft at anomalya sa gobyerno.
"Klaro po, ang House of the People ay hindi kukunsinti ng korapsyon sa anumang sangay ng pamahalaan. Ang pananagutan at integridad ay obligasyon namin sa taumbayan." -House Speaker Martin Romualdez
Ayon kay Romualdez, ang panawagan ng private sector ay kaayon ng mismong prinsipyo ng transparency, accountability, at integrity na isinusulong ng House of Representatives. “I welcome and respect the strong statement made by our partners in the business community and civil society calling for an end to corruption in government,” aniya.
Idinagdag niya na anumang alegasyon ng maling gawain ay dapat dumaan sa masusing imbestigasyon at kaukulang parusa, dahil hindi dapat kinukunsinti ang katiwalian. “Let me be clear: the House of the People will never condone corruption, whether in public works, local governance, or any other area of government service,” ani Romualdez.
Bilang patunay, ipinaalala niya na nakapagtulak na ng ilang reporma ang Kamara sa ilalim ng 20th Congress. Kabilang dito ang:
Livestreamed budget hearings para sa mas bukas na proseso,
Mas mahigpit na pagbabantay sa lump-sum funds,
Pinalawak na partisipasyon ng watchdog groups.
Dagdag pa rito, itinutulak din ng Kamara ang Budget Modernization Act, na layong gawing mas epektibo at performance-based ang paggastos ng gobyerno.
Ang pahayag ni Speaker Martin Romualdez ay isang malinaw na mensahe na seryoso ang Mababang Kapulungan sa laban kontra korapsyon. Sa pamamagitan ng mga reporma at mas bukas na sistema, layon nilang tiyakin na ang pondo ng bayan ay mapupunta lamang sa mga programang may tunay na resulta para sa mamamayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento