Hindi lang sa larangan ng showbiz hinahangaan si Judy Ann Santos kundi maging sa kanyang mga payo na tumatagos sa puso ng kanyang mga tagahanga. Kamakailan, nagbigay siya ng makabuluhang mensahe para sa mga taong madalas nasasaktan sa kawalan ng pansin at effort mula sa iba.
Ayon kay Judy Ann:
“Alam mo, if someone is ignoring you, then let them be. 'Wag mong pilitin yung mga taong ayaw naman talagang makipag-connect sa'yo. Stop begging for replies or attention hindi mo yan kailangan. Learn to let go, kung hindi ka nila pinapansin. Then keep your distance and treat them the same way. Self-respect, 'day. Hindi kawalan ang taong hindi ka marunong pahalagahan...”
"Darating ka sa punto na mapapagod ka rin sa kakahabol. Doon mo mare-realize na mas mahalaga ang dignidad at respeto mo sa sarili. Hindi kawalan ang taong hindi ka marunong pahalagahan."
Ang kanyang pahayag ay nagpaalala na ang tunay na respeto ay nagsisimula sa sarili. Hindi kailangan ng tao na maghabol ng atensyon o pilitin ang hindi naman interesado. Sa halip, dapat matutong bitawan ang mga taong hindi marunong magpahalaga at ibaling ang oras at pagmamahal sa mga taong tunay na nagbibigay ng halaga.
Marami ang naka-relate sa kanyang sinabi, lalo na sa panahon ngayon kung saan laganap ang toxic relationships, ghosting, at one-sided friendships. Ang kanyang payo ay nagbigay-lakas ng loob sa mga netizens na unahin ang sarili at itaas ang self-worth.
Ang simpleng payo ni Judy Ann Santos ay nagsilbing malalim na paalala: huwag habulin ang mga taong hindi marunong magbigay ng halaga. Sa halip, piliin ang sariling kapayapaan at dignidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento