Matapang na panawagan ang inilabas ni Vice Ganda laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng bansa kaugnay ng talamak na korapsyon. Sa isang viral na pahayag, hinimok ng “Unkabogable Star” ang bawat Pilipino na huwag matakot ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan, lalo na’t ang perang kinukurakot ng mga politiko ay mula mismo sa buwis at dugo ng sambayanan.
“Huwag kang matakot ipanglaban ang iyong kalayaan. Pera ng taumbayan ang ikinalulumbit ng mga politikong korap. Wala tayong dapat ikatakot dapat sila ang matakot sa atin dahil pinapasweldo natin sila.” — Vice Ganda
“Hindi tayo alipin ng mga opisyal ng gobyerno. Sila ang dapat managot sa atin dahil sila ang pinapasahod natin. Kaya kung ninanakaw nila ang pera natin, kung inaapi nila tayo, huwag tayong matakot. Tayo ang boss. Tayo ang bayan. At tayo ang may tunay na kapangyarihan.” dagdag niya.
Hindi na napigilan ni Vice Ganda ang kanyang saloobin matapos muling masangkot ang ilang opisyal sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa bilyon-bilyong pisong proyekto ng gobyerno. Ayon sa kanya, panahon na upang manindigan ang mamamayan at huwag hayaan na patuloy na apihin ng mga taong dapat ay naglilingkod sa bayan.
Ipinunto ni Vice na ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng taumbayan at hindi ng mga nakaupo sa pwesto. Sa kanyang pananaw, ang takot ay hindi dapat manggaling sa mamamayan kundi sa mga korap na dapat managot sa kanilang ginawang pagnanakaw.
Para kay Vice, ang kalayaan ay hindi lamang tungkol sa pagiging malaya sa pananalita, kundi malaya rin sa pang-aabuso, katiwalian, at panggigipit. Kaya nanawagan siya sa lahat ng Pilipino na huwag manahimik, kundi ipaglaban ang katotohanan at hustisya.
Ang mensahe ni Vice Ganda ay isang malakas na paalala sa bawat Pilipino na hindi tayo dapat manahimik sa harap ng katiwalian. Ang pera ng bayan ay dapat gamitin para sa ikabubuti ng lahat, hindi para sa bulsa ng iilan. Kung tayo ay mananatiling tahimik, patuloy nilang aabusuhin ang sistemang dapat ay para sa atin. Pero kung tayo’y kikilos at magsasama-sama, walang sinumang makakapanlamang sa taumbayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento