Sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng marami sa panahon ngayon mula sa krisis sa kabuhayan, problema sa pamilya, kalusugan, at personal na laban, isang makabuluhang paalala ang ibinahagi ng Queen of Pinoy Drama, Judy Ann Santos. Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan niya ang bawat Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa dahil ang lahat ng hirap na pinagdadaanan natin ay hindi parusa, kundi paghahanda para sa mas malaking biyayang darating.
“Kung may pinagdadaanan tayo ngayong masakit, mahirap sa panahon ngayon. Dapat magpasalamat tayo, because this is a preparation for a bigger blessing that's coming. We have to do now is to pass this test.” — Judy Ann Santos
“Alam kong mahirap. Maraming beses mong iisipin na sumuko. Pero tandaan mo, ang lahat ng ito ay hindi habang-buhay. Ito ay paghahanda para sa mas malaki pang biyaya. Kapit lang. Magpasalamat kahit masakit, dahil hindi ka pinaparusahan, inihahanda ka para sa mas magandang bukas.” dagdag pa nito.
Para kay Judy Ann, ang bawat paghihirap sa buhay ay bahagi ng proseso tungo sa ating paglago at tagumpay. Hindi ito dahilan upang sumuko, kundi paalala na may layunin ang bawat sakit at luha. Isa pang mahalagang paalala ni Juday ay ang pagpapasalamat kahit sa gitna ng unos. Marami sa atin ang nakatuon sa problema at nakakalimutang tingnan ang mga biyayang mayroon pa rin tayo. Para sa kanya, ang pasasalamat ang magpapanatili ng ating pananampalataya.
Ang buhay ay hindi kailanman magiging madali, ngunit tulad ng sinabi ni Judy Ann Santos, ang bawat sakit, luha, at kabiguan ay hakbang patungo sa mas maganda at mas makabuluhang bukas. Huwag tayong matakot sa mga pagsubok; yakapin natin ito bilang parte ng ating pag-unlad. Ang kailangan lang natin ngayon ay ipasa ang pagsusulit ng buhay — dahil sa dulo ng bawat pagsubok, may nakalaang biyayang higit pa sa ating inaasahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento