Advertisement

Responsive Advertisement

CONG. ZALDY CO, IGINIIT ANG KARAPATAN HABANG NAGPAPAGALING SA SAKIT: "I WILL RESIGN IF YOU FORCE ME TO BACK TO PHILIPPINES"

Linggo, Setyembre 21, 2025

 



Nagbigay ng matapang na pahayag si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co laban sa panawagang siya ay sapilitang pabalikin sa Pilipinas kahit siya ay kasalukuyang nagpapagamot sa ibang bansa. Ayon kay Co, hindi makatarungan na pilitin siyang umuwi habang wala pang sapat na pasilidad at kakayahan ang bansa para tugunan ang kanyang medikal na kondisyon.


“If you will force me to go back to the Philippines, I will resign. That travel clearance is only valid for my position as congressman. So if I resign, you can’t force me to go back. Makatarungan ba na pilitin niyo akong bumalik habang ako ay nagpapagaling gayong walang sapat na kakayahan ang Pilipinas na pagalingin ang aking sakit? Wag sana magmadali dahil uuwi ako at hindi ako tumatakbo dahil malinis ang konsensya ko,” ani Cong. Zaldy Co.


Sa kanyang pahayag na tuwirang nakatuon sa Marcos Administration at House of Representatives, binigyang-diin niya na ang hawak niyang travel clearance ay tanging nakabatay lamang sa kanyang posisyon bilang kongresista. Kung siya raw ay mapipilitang bumalik, handa umano siyang magbitiw sa kanyang tungkulin upang hindi na siya mapasailalim sa obligasyon ng naturang clearance.


Dagdag pa niya, hindi siya tumatakas sa kanyang responsibilidad at nanindigan siyang malinis ang kanyang konsensya. Nangako rin siyang babalik sa bansa sa tamang panahon kapag siya ay lubos nang magaling.


“Hindi ako tumatakbo, at wala akong tinatakasang kaso. Uuwi ako, pero hindi dapat madaliin. Malinis ang konsensya ko at inuuna ko lang ang kalusugan ko para makapaglingkod muli nang mas maayos.” -Cong. Zaldy Co


Ang pahayag ni Cong. Zaldy Co ay muling nagbigay-diin sa usapin ng karapatan at responsibilidad ng mga opisyal ng bayan. Habang iginigiit niya ang kanyang kalusugan bilang pangunahing dahilan ng kanyang pananatili sa ibang bansa, hindi maiiwasang magdulot ito ng mas maraming tanong hinggil sa pananagutan ng mga halal na opisyal kapag sila ay nahaharap sa seryosong sitwasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento