Advertisement

Responsive Advertisement

ANTI-CORRUPTION RALLY SA LUNETA, MAS LALONG LUMALAKAS, AASAHAN PA ANG MAS MALAKING PAGDALO

Linggo, Setyembre 21, 2025

 



Ngayong umaga, Setyembre 21, 2025, umabot na sa tinatayang 13,000 katao ang nagtipon sa Luneta Park, Maynila para sa malawakang anti-corruption rally, ayon sa monitoring ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).


“Hindi ito simpleng pagtitipon ito ay tinig ng bayan na matagal nang naghihintay ng katarungan. At sa dami ng dumalo, malinaw na hindi kami nag-iisa. Patuloy tayong lalaban hanggang magkaroon ng tunay na pagbabago, at gagawin natin ito sa mapayapa at makabuluhang paraan,” ani ng isa sa mga organizers ng rally. -Organizers


Ayon sa ulat, inaasahan pang mas dadami ang mga dadalo pagsapit ng hapon at gabi, lalo’t marami pang sektor at grupo ang nag-anunsyo ng kanilang pakikilahok. Ang iba ay mula pa sa iba’t ibang probinsya upang makiisa at iparating ang kanilang sigaw laban sa katiwalian.


Maraming placards at banners na may nakasulat na “Pera ng Bayan, Ibalik sa Mamamayan” at “Tama na ang Katiwalian.”


Mga grupo ng kabataan, empleyado, senior citizens, at civic organizations na sama-samang nagmartsa patungo sa Luneta.


May ilang personalidad sa politika at showbiz na nagpakita rin ng suporta.


Malakas ang sigawan ng mga tao, ngunit nananatiling mapayapa at organisado ang kilos-protesta.



Marami ang nagpahayag sa social media ng kanilang pagkakaisa. Ang dami ng nagtitipon ay patunay na hindi na natitinag ang panawagan para sa accountability at transparency mula sa pamahalaan.


Ang makasaysayang pagtitipon ngayong araw sa Luneta ay malinaw na simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa katiwalian. Sa bilang na 13,000 katao ngayong umaga pa lamang, at inaasahang mas lalaki pa ang crowd hanggang gabi, pinatunayan ng taumbayan na handa silang magsama-sama para ipaglaban ang tama.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento