Advertisement

Responsive Advertisement

EVERY LIFE MATTERS: MGA BUMBERO, SINAGIP ANG MGA FURBABIES SA GITNA NG APOY: "TRABAHO NAMIN ANG MAGLIGTAS NG BUHAY KASAMA DIYAN ANG MGA ALAGA NATIN"

Lunes, Setyembre 22, 2025

 



Isang malaking sunog ang sumiklab sa Sitio Kamagong, Barangay Lahug, Cebu City bandang alas-11 ng umaga nitong Linggo, Setyembre 21. Mabilis na kumalat ang apoy dahilan upang itaas ng mga bumbero ang alarma sa 4th alarm, habang patuloy nilang nilalabanan ang apoy at pinipigilan ang lalo pang pagkalat nito sa kabahayan.


Habang nakatutok ang iba sa pagliligtas ng mga residente at pag-apula ng apoy, umani ng papuri sa social media ang ilang bumbero na nakita ring sumaklolo sa mga alagang aso na naiipit sa nasusunog na mga bahay. Ibinahagi ng ilang netizens ang mga larawan kung saan makikitang buhat ng mga bumbero ang mga aso upang mailabas sa ligtas na lugar.


“Trabaho namin ang magligtas ng buhay, at para sa amin, kasama diyan ang mga alaga ng ating mga kababayan. Kahit sila ay may karapatang mailigtas.” -BFP


Marami sa mga netizens ang naantig at nagpahayag ng kanilang suporta at pasasalamat sa kabayanihan ng mga bumbero. Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa sanhi ng sunog, habang ang mga naapektuhang residente at kanilang mga alagang hayop ay pansamantalang inilikas sa ligtas na lugar.


Ang trahedyang dulot ng sunog sa Sitio Kamagong ay muling nagpakita ng sakripisyo at kabayanihan ng ating mga bumbero. Sa kabila ng panganib, pinatunayan nilang hindi lang tao ang may karapatang mailigtas, kundi pati mga alagang aso na itinuturing na miyembro ng pamilya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento