Advertisement

Responsive Advertisement

CESAR MONTANO, SUPORTADO ANG ANTI-CORRUPTION PROTESTA: “KAILANGAN TALAGANG MAGPROTESTA!”

Lunes, Setyembre 22, 2025

 



Kabilang na rin ang batikang aktor na si Cesar Montano sa mga personalidad na nagpahayag ng matibay na suporta sa nalalapit na kilos-protesta laban sa korapsyon na ginanap nitong Setyembre 21, 2025.


Sa kanyang pahayag, mariin niyang sinabi na hindi na dapat palampasin ng publiko ang mga maling gawain sa gobyerno, partikular ang mga anomalya na kinasasangkutan ng bilyon-bilyong pondo ng bayan.


“Mali yung nangyayari. So, dapat lang na sumuporta tayo dito sa rally na ito. Dapat lang, kailangan talagang magprotesta, Hindi na dapat palampasin ang mali. Dapat magkaisa tayong lahat sa laban kontra korapsyon. Kung gusto natin ng pagbabago, magsisimula ito sa pagtindig at pakikilahok ng bawat isa.” ani Cesar Montano.


Dagdag pa niya, ang pakikilahok ng mamamayan sa mapayapang pagtindig laban sa katiwalian ay isang paraan para ipakita sa gobyerno na hindi na mananahimik ang taumbayan. Aniya, kung hindi kikilos ngayon, mas lalo lamang lalaki ang problema at mas maraming Pilipino ang magdurusa.


Muling pinatunayan ni Cesar Montano na hindi lamang sa pelikula siya handang lumaban para sa tama. Sa tunay na buhay, ipinapakita niya ang kanyang malasakit sa bayan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga hakbang laban sa katiwalian. Ang kanyang paninindigan ay nagsisilbing paalala na ang laban kontra korapsyon ay hindi lamang para sa mga lider ng gobyerno, kundi para sa bawat Pilipino na naghahangad ng mas maayos, tapat, at makatarungang bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento