Sa gitna ng isang anti-corruption rally nitong Linggo, isang eksena ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Isang street vendor ang inaresto ng mga pulis matapos siyang magsalita at manawagan na ibaba ang presyo ng mga street food gaya ng fishball, kikiam, kwek-kwek at iba pa. Ang simpleng panawagan na ito, na maraming Pilipino ang makaka-relate, ay biglang nauwi sa kontrobersyal na pangyayari.
"Hindi ko naman ginusto na makulong. Ang hiling ko lang ay ibaba ang presyo ng fishball, kikiam, kwek-kwek mga pagkain ng mahihirap. Kasi araw-araw kaming nasa kalsada, pawis at pagod ang puhunan, tapos kahit ‘yung simpleng pagkain, nagmamahal pa. Sana pakinggan naman kami." - Kwek kwek vendor
Ayon sa mga paunang ulat, vendor mismo ang lalaki at dumalo sa rally upang ipahayag ang hinaing ng mga tulad niyang maliliit na nagtitinda. Subalit sa hindi pa malinaw na dahilan, siya ay dinampot ng mga awtoridad matapos ang kanyang sigaw ng hinaing. Nahuli pa sa video ang insidente at agad itong kumalat online, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.
Para sa marami, ang sigaw ng vendor ay sumasalamin sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Pilipino pataas ang bilihin, ngunit nananatiling kapos ang kita. Ang fishball, kikiam, at kwek-kwek ay hindi lamang simpleng street food, kundi bahagi ng kultura at abot-kayang pagkain ng maraming mamamayan. Kaya’t ang panawagan niyang ibaba ang presyo ay may malalim na kahulugan: pag-asa para sa murang pagkain at patas na kabuhayan.
Ang insidente ng vendor na inaresto dahil sa panawagan para sa mas murang fishball at kikiam ay higit pa sa simpleng isyu ng pagkain. Isa itong paalala ng kalagayan ng karaniwang Pilipino na araw-araw nakikipaglaban upang maitawid ang kanilang kabuhayan.
Ang viral na video ay nagsilbing simbolo ng hinaing ng masa na sa kabila ng maliit na hiling, malaki ang ipinapakitang problema ng lipunan: mataas na presyo, mababang kita, at kawalan ng katarungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento