Advertisement

Responsive Advertisement

BONG REVILLA ITINANGGI ANG ALEGASYON SA FLOOD CONTROL ANOMALY: “WALA PO AKONG KINALAMAN DIYAN”

Martes, Setyembre 23, 2025

 



Mariing itinanggi ni dating senador Bong Revilla ang pagkakasangkot niya sa isyung ibinabato ni dating DPWH district engineer Henry Alcantara kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects.


Sa panayam, tahasang sinabi ni Revilla na wala siyang koneksyon o anumang partisipasyon sa nasabing proyekto.

“Wala po akong kinalaman diyan. I have nothing to do with any of that, Wala po akong kinalaman diyan. Malinis ang konsensya ko at handa akong patunayan na wala akong anumang ugnayan sa mga alegasyong ito.” pahayag ng dating senador.


Lumabas ang kanyang pangalan matapos banggitin ni Alcantara sa mga pagdinig at ulat ng media ang umano’y pagkakasangkot ng ilang personalidad sa maanomalyang kontrata at kickbacks. Gayunpaman, giit ni Revilla, walang basehan ang mga akusasyong ito at hindi siya dapat idinadawit.


Samantala, umani ng iba’t ibang reaksyon ang publiko. May mga naniniwala sa pahayag ng dating senador, ngunit marami rin ang nananawagan ng mas malalim na imbestigasyon upang tuluyang malinawan ang usapin.


Habang patuloy ang pag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects, iginiit ni Bong Revilla na malinis ang kanyang pangalan at wala siyang anumang partisipasyon dito. Sa kabila ng kanyang pahayag, nananatili ang panawagan ng taumbayan na lahat ng sangkot—politiko man o opisyal—ay dapat mapanagot kung mapapatunayang may sala.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento