Advertisement

Responsive Advertisement

MIKA SALAMANCA, HUMINGI NG PAUMANHIN AT NILINAW ANG ISYU SA PAGKAKAIBIGAN NILA NI KITTY DUTERTE: "I HAD QUESTIONABLE CHOICES OF FRIENDS WHEN I WAS AT MY LOWEST"

Martes, Setyembre 23, 2025

 



Humingi ng paumanhin si Mika Salamanca, Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner, matapos umani ng batikos kaugnay ng kanyang naging pakikipagkaibigan kay Veronica “Kitty” Duterte, bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa isang post, inamin ni Mika na dumaan siya sa yugto ng kanyang buhay kung saan nagkaroon siya ng mga maling desisyon, kabilang ang pagpili ng mga kaibigan.


“I admit that I had questionable choices of friends when I was at my lowest, but one thing has always been clear to me: I’ve always made sure to stand my ground even during those times,” ani Mika.


“Aminado akong nagkamali ako sa pagpili ng kaibigan noong pinakamababa ang punto ng buhay ko. Pero mula noon hanggang ngayon, malinaw sa akin ang paninindigan ko: para sa katotohanan, para sa bayan, at laban sa korapsyon.” dagdag ni Mika


Kasabay nito, napansin ng mga netizens na inunfollow na ni Mika si Kitty Duterte sa Instagram, na lalo pang nagpataas ng espekulasyon na nais na niyang lumayo mula sa anumang koneksyon na maaring magdulot ng negatibong impresyon.


Noong Linggo, Setyembre 21, 2025, isa si Mika sa libu-libong Pilipino na nakiisa sa malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon sa People Power Monument sa EDSA. Bagama’t marami ang natuwa sa kanyang presensya, hindi rin nawala ang mga kritiko na nag-akusa sa kanya ng pagiging “two-faced” dahil sa nakaraan niyang kaugnayan kay Kitty Duterte.


Sa kabila nito, nanindigan si Mika na ang kanyang posisyon laban sa korapsyon at katiwalian ay malinaw at hindi nagbabago, anuman ang mga kaibigan na minsan ay nakasama niya.


Ang naging pahayag ni Mika Salamanca ay malinaw na pag-amin na siya man ay nagkaroon ng maling hakbang sa nakaraan, ngunit ngayon ay mas pinipili niyang manindigan para sa tama. Ang kanyang pakikiisa sa protesta laban sa korapsyon ay nagpapakita ng kanyang paninindigan bilang isang mamamayang Pilipino na nananawagan ng pagbabago at hustisya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento