Hindi napigilan ni Vice Ganda ang kanyang emosyon matapos muling pumutok ang isyu ng korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa kanyang post sa social media platform na X, binanatan ng TV host-comedian ang tila walang katapusang anomalya sa gobyerno.
“Sa Bulacan pa lang ’to! Magkano na pag buong Pilipinas? At nakaw pa lang ’to sa DPWH. Paano pa pag sinama yung sa ibang departments tulad ng Health, Customs, Education etc?” ani Vice.
“Hindi ko na kayang manahimik. Kapag pera ng tao ang ninanakaw, hindi pasasalamat ang dapat sabihin kundi paniningil. Panahon na para kumilos at ipaglaban ang tama.” dagdag nito
Dagdag pa niya, hindi dapat ikuwestiyon kung bakit siya napamura dahil natural na reaksyon ito ng isang taong nanakawan.
“Tapos yung iba kukwestiyon bakit ako napamura? Ano ba dapat ang sabihin ng mga nanakawan?? THANK YOU PO MAM/SIR?!”
Ang matapang na pahayag ni Vice Ganda ay umani agad ng libo-libong reaksyon at suporta mula sa mga netizens. Marami ang sumang-ayon na tama lang ang galit ng komedyante dahil hindi na biro ang nawawalang pondo na dapat sana’y napupunta sa serbisyo para sa mamamayan.
Sa gitna ng sunod-sunod na Senate hearings at mga expose sa flood control projects, lumalakas ang panawagan para sa transparency at pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.
Ang galit ni Vice Ganda ay repleksyon ng hinanakit ng maraming Pilipino na araw-araw nakakaranas ng epekto ng katiwalian mula sa kulang na imprastraktura, mabagal na serbisyo, hanggang sa kawalan ng sapat na suporta sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng edukasyon at kalusugan. Hindi na bago ang isyu, ngunit ang matapang na boses ni Vice ay nagsisilbing paalala na hindi dapat manahimik sa harap ng nakawan sa kaban ng bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento