Isang makukulay at masayang seremonya ang ginanap sa Our Lady of Remedies Parish Church sa Malate, Manila kung saan bitbit ng kanilang mga may-ari ang iba’t ibang uri ng alagang hayop upang basbasan bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Animal Day.
“Ang mga alaga ay biyaya ng Diyos. Nawa’y alagaan natin sila gaya ng pag-aalaga Niya sa atin may malasakit, pag-aaruga, at pagmamahal.” -Pari ng Our Lady of Remedies
Mula sa mga aso at pusa sama-samang dumalo ang mga alagang hayop kasama ang kanilang mga furparents upang tumanggap ng basbas mula sa mga pari. Layunin ng seremonya na ipanalangin ang kalusugan, kaligtasan, at kabutihang-asal ng mga alaga, at kilalanin ang kanilang kahalagahan bilang bahagi ng pamilya.
Maraming pet owners ang nagsabing malaking bagay ang ganitong aktibidad upang ipaalala na ang mga hayop ay may buhay, damdamin, at karapatang mahalin at pangalagaan.
Ayon sa mga pari ng simbahan, ang pagbabasbas ng mga hayop ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang simbolo ng pasasalamat sa Diyos sa mga nilalang na nagbibigay ng kasiyahan at ginhawa sa ating buhay. Pinapaalalahanan din ang mga may-ari na panagutan at alagaan nang may pagmamahal ang kanilang mga alaga, gaya ng pag-aaruga natin sa mga miyembro ng pamilya.
Ang pagdiriwang ng World Animal Day sa Our Lady of Remedies Parish Church ay nagsilbing makabuluhang paalala na ang mga hayop ay hindi lamang alaga kundi mga biyayang bahagi ng ating buhay.
Sa pamamagitan ng basbasang ito, muling pinaalalahanan ang bawat isa na ang tunay na pagmamahal sa hayop ay hindi nasusukat sa ganda ng kanilang kasuotan o pagkain, kundi sa panghabambuhay na pag-aaruga at malasakit.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento