Advertisement

Responsive Advertisement

ROBBY TARROZA, NAKATANGGAP NG DEATH THREATS MATAPOS ISIWALAT ANG 'DOUBLE LIFE' NI JINGGOY ESTRADA: "'‘I WILL CONTINUE TO SPEAK THE TRUTH!"

Sabado, Setyembre 13, 2025

 



Nag-viral kamakailan ang mga post ni dating aktor Robby Tarroza, matapos niyang lantaran hamunin si Senador Jinggoy Estrada na magbitiw sa puwesto at bantaan na kanyang ibubunyag ang umano’y “double life” ng senador.


Ngunit kasabay ng kanyang mga rebelasyon, ibinunyag ni Tarroza na nakakatanggap na siya ngayon ng mga death threats mula nang gawin niya ang kanyang mga pahayag sa social media.


Sa isang matapang na post sa Facebook, isinulat niya:

“Eto na po mga death threats na! I do not care! I will continue to speak the TRUTH! SINUNGALING KA!”


Sa kanyang naunang post, sinabi ni Tarroza na si Estrada umano ang isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ng dating longtime partner na si Joed Serrano, at iginiit niyang nagkaroon umano ng ugnayan ang dalawa noong 2004 habang nangangampanya para sa yumaong si Fernando Poe Jr., na malapit na kaibigan ng ama ni Jinggoy, si Joseph Estrada.


Matapang niyang pahayag:

“Jinggoy mag-resign ka na!!! Kundi I will be forced to tell the country about your double life!!! You are one of the reasons bakit kami naghiwalay. I have ALL the receipts, dear. Try me!”


Dagdag pa niya, handa umano si Joed Serrano na magpatotoo tungkol sa nasabing isyu.


Ang mga pahayag na ito ni Tarroza ay lumabas sa gitna ng umiinit na imbestigasyon laban kay Jinggoy Estrada kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga infrastructure contracts.


Ang mga pahayag ni Robby Tarroza laban kay Jinggoy Estrada ay nagdagdag pa ng init sa mga kasalukuyang isyu ng korapsyon na kinahaharap ng senador. Sa kabila ng banta sa kanyang buhay, nanindigan si Tarroza na hindi siya matatakot at mananahimik kung ang kapalit ay ang katotohanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento