Advertisement

Responsive Advertisement

IMBES NA SUMUKO, LUMABAN: ESTUDYANTENG MAGSASAKA NAGING INSPIRASYON SA SORSOGON: "SA HIRAP NG BUHAY, AKO NA MISMO GUMAGAWA NG PARAAN"

Sabado, Setyembre 13, 2025

 



Sa bayan ng Donsol, Sorsogon, naging inspirasyon sa marami ang kwento ng 21-anyos na si Kim Tuyo, isang dating estudyante ng kursong Agriculture and Technology. Dahil sa matinding hirap ng buhay, kawalan ng trabaho ng kanyang mga magulang, at sobrang gastos sa distance learning, napilitan siyang huminto muna sa pag-aaral.


Ngunit imbes na tumambay at sumuko sa hamon ng buhay, ginamit ni Kim ang kanyang kaalaman sa agrikultura upang magsimula ng sariling munting farm sa kanilang barangay sa Sibago.


Araw-araw ay sinasakripisyo ni Kim ang kanyang oras at lakas upang alagaan ang kanyang mga pananim at mga hayop. Mula sa kaunting puhunan at gamit, unti-unti na ngayong namumunga ang kanyang mga tanim at dumarami ang kanyang mga alagang hayop.


Kwento niya: “Ayaw ko kasing ipilit yung sarili ko na mag-aral kung alam ko sa sarili ko na wala rin lang naman akong matutunan. Mas masasayang ang taon kung pipilitin kong mag-aral pero wala ka namang natututunan.”


Dagdag pa niya, hirap silang makasabay sa online classes dahil sa kawalan ng signal sa kanilang lugar at kawalan ng kagamitan gaya ng laptop at load.


Dahil wala nang kakayahang magtrabaho ang kanyang mga magulang, pinili ni Kim na siya mismo ang gumawa ng paraan.


“Mahirap lang po kasi kami ma’am at matatanda na magulang ko para magtrabaho kaya ako na mismo gumagawa ng paraan,” aniya.


Sa halip na malugmok, pinili niyang magsipag at gamitin ang kanyang natutunan sa loob ng dalawang taon sa kolehiyo para makapagsimula ng kabuhayan.


Ang kwento ni Kim Tuyo ay patunay na hindi hadlang ang kahirapan para makamit ang tagumpay. Sa halip na sumuko, pinili niyang kumilos, magsikap, at gamitin ang kanyang natutunan upang buuin ang kanyang pangarap, hindi lang para sa sarili kundi para rin sa kanyang pamilya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento