Advertisement

Responsive Advertisement

AWA AT GALIT ANG BUMUHOS: KWENTO NI PIKA PAALALA NA TIGILAN ANG PAGLALASON SA MGA INOSENTENG HAYOP

Lunes, Setyembre 22, 2025

 



Nag-iiwan ng kirot sa puso ang istorya ng isang kuting na si Pika sa isang drainage ng Quiapo matapos kumalat ang larawan niya habang nakadikit pa rin sa katawan ng kanyang ina na pumanaw dahil sa pagkalason. Sa kabila ng nangyari, hindi iniwan ni Pika ang kanyang ina, kahit na buto’t balat na lamang ito.


Ang eksenang ito ay nagdulot ng matinding emosyon sa mga netizens. Bumuhos ang luha, awa, at suporta para kay Pika, na ngayon ay simbolo ng pagmamahal, katapatan, at kawalang-malay ng mga hayop na madalas biktima ng kalupitan ng tao.


“Nakakaiyak isipin na kailangan pang magdusa ng mga inosenteng hayop dahil sa kawalang puso ng ilan. Sana mas piliin natin ang malasakit kaysa kalupitan.” – komento sa nakasaksi kay Pika


Marami ang nanawagan na tigilan na ang paglalagay ng lason sa pagkain bilang paraan para kontrolin ang mga hayop sa lansangan. Anila, ang gusto lang naman ng mga pusa at aso ay makakain at makatawid sa gutom. Hindi sila nananakit, ngunit sila ang madalas naaapektuhan ng maling gawi ng tao.


Ngayon, may magandang balita si Pika ay nasa ligtas nang kalagayan dahil inampon siya ng isang furparent na may limang pusa. Doon ay makakasama niya ang mga bagong kapatid na magbibigay sa kanya ng kasamang paglaki, pag-aaruga, at pagmamahal.


“Nung nakita ko ang kwento ni Pika, agad kong naisip na hindi siya dapat manatiling mag-isa. Ngayon, kasama na siya ng lima kong pusa. Isa siyang inspirasyon na kahit galing sa trahedya, puwede pa ring makahanap ng tunay na tahanan at pagmamahal.” -Bagong Furparent ni Pika


Ang kwento ni Pika ay nagsisilbing paalala sa lahat na huwag tayong magpakasama sa mga hayop. Ang simpleng paglalagay ng lason ay maaaring kumitil ng inosenteng buhay na wala namang kasalanan. Ngunit sa kabila ng trahedya, ang kanyang bagong simula ay patunay na may mga taong handang magmahal at magbigay ng pangalawang pagkakataon sa mga gaya niya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento