Advertisement

Responsive Advertisement

ANGEL LOCSIN BINASAG ANG KATAHIMIKAN: ‘NAKAKAPANGHINA ANG MANAHIMIK SA HARAP NG KORAPSYON!’

Lunes, Setyembre 22, 2025

 



Matapos ang ilang buwang pananahimik, muling bumalik sa social media si Angel Locsin at diretsahang nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan. Sa kanyang post nitong Linggo, Setyembre 21, ipinakita ng aktres ang pakikiisa sa mga Pilipinong lumalaban at nagpoprotesta laban sa katiwalian.


Ayon kay Angel:

“Today, I’m breaking my social media silence. To all Filipinos fighting corruption may God give you more strength to keep going. Naiiyak ako sa galit. Kasi puwede palang hindi sila naghirap. Puwede palang walang nasaktan. Puwede palang walang namatay.”


“Ang bigat. Nakakapanghina yung ganitong kasamaan. Pero mas nakakapanghina kung mananahimik lang tayo. Kaya we keep speaking, we keep fighting. For truth. For justice. For change. No politics. Para sa tao.”


Ibinahagi ni Angel na habang pinapanood niya ang mga Senate hearings hinggil sa flood control anomalies, bumalik sa kanyang alaala ang mga pamilyang lumapit sa kanya upang humingi ng tulong tuwing may kalamidad.


Aniya, masakit isipin na marami ang naghirap at nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kapabayaan at maling paggamit ng pondo.


Tinawag ni Angel na “mabigat at nakakapanghina” ang epekto ng korapsyon, hindi lang sa gobyerno kundi lalo na sa mga ordinaryong Pilipino. Ngunit para sa kanya, mas nakakapanghina ang pananatiling tahimik.


Ang pagbabalik ni Angel Locsin sa social media ay hindi para sa showbiz, kundi para sa bayan. Ang kanyang boses ay nagsisilbing paalala na ang laban kontra korapsyon ay hindi lamang trabaho ng mga nasa gobyerno kundi ng bawat Pilipino. Hindi dapat manahimik kung ang nakasalalay ay buhay at kinabukasan ng sambayanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento