Advertisement

Responsive Advertisement

3 BILANG NG KASONG CRIMES AGAINST HUMANITY, ISINAMPA NG ICC LABAN KAY DUTERTE: 76 KASO NG PAGPATAY, ISINAMA SA ICC CHARGES

Martes, Setyembre 23, 2025

 



Isang makasaysayang balita ang lumabas matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) na kinasuhan ng tatlong bilang ng crimes against humanity si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang paratang ay kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa pagpatay ng hindi bababa sa 76 katao sa ilalim ng kanyang kontrobersyal na “war on drugs.”


Ayon sa dokumentong inilabas ng ICC, tinutukoy si Duterte bilang “indirect co-perpetrator” o hindi direktang kasangkot ngunit may pananagutan sa serye ng mga pagpatay na isinagawa ng kapulisan at mga umano’y hired hitmen.


📌 Mga Kaso Laban kay Duterte:


Unang Bilang (2013–2016): Kaugnay ng kanyang termino bilang alkalde ng Davao City, kung saan umano’y may 19 na pagpatay na isinagawa.


Ikalawang Bilang (2016–2017): Habang siya ay pangulo, iniuugnay siya sa 14 na pagpatay ng mga tinaguriang “high-value targets.”


Ikatlong Bilang (2016–2018): Kasama sa kaso ang 43 na pagpatay sa mga operasyon laban sa mas maliliit na suspek na sangkot umano sa droga.


Sa kabuuan, 76 katao ang nakapaloob sa charge sheet, bagaman binigyang-diin ng ICC na libo-libong buhay ang naapektuhan ng kampanya kontra droga ng dating pangulo.


Gayunpaman, nananatiling isyu kung haharap sa paglilitis si Duterte dahil ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman, ang dating pangulo ay nakakaranas ng “cognitive impairment” o kahirapan sa pag-alala at pagproseso ng impormasyon.


Ang hakbang ng ICC laban kay Duterte ay isang makasaysayang yugto para sa Pilipinas at sa mundo, dahil pinapakita nito na ang internasyonal na komunidad ay handang managot ang sinumang lider na lalabag sa karapatang pantao. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento