Muling naging usap-usapan sa social media si Slater Young, dating aktor at ngayo’y matagumpay na entrepreneur, matapos akusahan ng isang netizen na isa umano siyang “government contractor” na nakinabang sa mga flood control projects ng gobyerno.
“I do not have any government projects. 20 years na ako sa construction, wala pa rin akong Rolls Royce. Akong payong sa sakyanan give away ras bangko. Don’t me.” -Slater Young
Sa kanyang Instagram page, nagbahagi si Slater ng screenshot ng komento ng isang netizen na nagsabing: “Did you also benefit from Filipino people’s tax money? I am disappointed.”
Agad niyang pinabulaanan ang paratang: “I do not have any government projects.”
Dagdag pa ni Slater, dalawang dekada na siyang nasa industriya ng construction, ngunit wala raw siyang kahit anong proyekto mula sa gobyerno at wala rin siyang mga mamahaling sasakyan.
Sa kanyang Instagram story, mas pinatindi pa ni Slater ang kanyang paglilinaw.
“20 years na ako sa construction, wala pa rin akong Rolls Royce, ayaw kog damaya. Akong payong sa sakyanan give away ras bangko. Don’t me,” biro pa niya.
Maraming netizens ang natuwa at natawa sa witty na paraan ng pagtanggi ni Slater. Para sa kanila, malinaw na hindi dapat basta-basta maniwala sa mga haka-haka at fake news online. May ilan ding sumuporta at nagpahayag ng respeto sa kanya dahil sa pagiging transparent tungkol sa kanyang pamumuhay at negosyo.
Ang pangyayari kay Slater Young ay patunay kung gaano kabilis kumalat ang maling impormasyon sa social media. Ngunit sa halip na umiwas o manahimik, pinili niyang magsalita at ipaliwanag ang kanyang panig nang diretso at may bahid ng katatawanan. Sa huli, naging aral ito sa publiko na mahalagang suriin ang mga balita bago maniwala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento