Nagbigay ng matapang na pahayag si dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares sa gitna ng kontrobersiyang bumabalot sa mga flood control projects at sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magsagawa ng lifestyle checks sa lahat ng opisyal ng gobyerno.
“Kung may anak ka at ikaw yung magulang, ‘pag dinonate mo sa kaniya, eh ‘di okay, pero tatanungin ka saan mo kinuha yung dinonate mo? Dapat malinaw lahat.” -Kim Jacinto-Henares
Ayon kay Henares, hindi lamang ang mga opisyal mismo ang dapat isailalim sa lifestyle checks kundi maging ang kanilang mga anak at kamag-anak, lalo na kung hindi maipaliwanag ang pinagmumulan ng kanilang yaman.
Sa kanyang pagsalang sa second round ng interview ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa mga kandidato sa Ombudsman, inihayag ni Henares na mahalagang masuri rin ang yaman ng mga anak ng opisyal.
“Kunwari may anak ka at ikaw yung magulang, ‘pag dinonate mo sa kaniya, eh ‘di okay, pero tatanungin ka saan mo kinuha yung dinonate mo?”
Giit niya, mahalaga ang transparency sa lahat ng aspeto upang hindi masayang ang tiwala ng publiko.
Matatandaan na mismong si Pangulong Marcos ang nag-utos ng lifestyle checks matapos madiskubre ang mga maanomalyang proyekto ng flood control na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso. Kabilang dito ang mga kompanya at kontratistang binanggit sa ulat ng Palasyo, na nagdulot ng malawakang batikos mula sa taumbayan.
Maraming netizens ang sumuporta sa panawagan ni Henares, naniniwalang dapat patas at masusing imbestigasyon ang isagawa, hindi lamang laban sa mga nakaupong opisyal kundi pati sa kanilang pamilya na nakikinabang sa mga hindi maipaliwanag na yaman. May ilan namang nagsabing dapat munang patunayan ang mga alegasyon bago tuluyang magpataw ng parusa.
Ang panawagan ni Kim Henares ay malinaw na mensahe na walang dapat lumusot sa pagsusuri—opisyal man o pamilya nila. Kung tunay na may malasakit ang pamahalaan sa laban kontra korapsyon, kailangang maging masinsin at patas ang imbestigasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento