Advertisement

Responsive Advertisement

RICHARD GUTIERREZ, SUPER EXCITED MAKATRABAHO SI IVANA ALAWI SA UNANG PAGKAKATAON: "I’M SUPER BLESSED AND EXCITED TO WORK WITH HER"

Linggo, Agosto 31, 2025

 



Matapos ang matagumpay na pagtatapos ng kanyang teleseryeng Incognito noong Hunyo, muling nagbabalik sa big screen ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez. Ngayon, siya ay bahagi ng pinakabagong installment ng Shake, Rattle, & Roll ang pelikulang kilala sa pagbibigay kilabot at aliw tuwing ipinapalabas.


Isa sa mga dahilan ng kanyang excitement ay ang pagkakataon na makatrabaho ang sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Ayon kay Richard, espesyal ang proyektong ito hindi lang dahil sa SRR legacy kundi dahil ito ang kauna-unahang beses na magsasama sila ni Ivana sa isang pelikula.


“This will be my first Shake, Rattle, & Roll film. It’s an honor to be here. I’m super blessed to be part of this group, and to be part of this cast… I’m excited to work with everyone on board escpially to Ivana.” -Richard Gutierrez


Bukod sa bagong tandem, masaya ring ibinahagi ni Richard ang kanyang pagbabalik sa Regal Films, kung saan nakagawa na siya ng maraming pelikula noong nakaraan. Para sa kanya, isang malaking karangalan ang muling maging bahagi ng proyektong hawak ng Regal lalo na at kasama pa niya ang batikang aktres na si Manilyn Reynes, na tinaguriang Queen of Shake, Rattle, & Roll.


Sa mahigit 35 taon sa industriya, hindi na bago kay Richard ang gumanap sa iba’t ibang genre mula sa comedy, romance, drama, hanggang action. Ngunit sa kabila ng kanyang karanasan, kitang-kita ang kanyang excitement at passion na tila ba ito ang kanyang unang proyekto.


Sa pagbabalik ni Richard Gutierrez sa pelikula, lalo na sa Shake, Rattle, & Roll, mas pinatindi ang excitement ng mga manonood dahil sa unang pagsasama nila ni Ivana Alawi. Ang kombinasyon ng isang batikang aktor at isang fresh at sikat na leading lady ay tiyak na magbibigay ng bagong flavor sa pelikula. Para kay Richard, ito ay hindi lang pagbabalik kundi isang bagong simula na puno ng kasabikan at pasasalamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento