Nagdesisyon ang 25-year-old lifestyle vlogger na si Claudine Co na i-deactivate ang kanyang YouTube at Instagram accounts matapos siyang malubhang mabatikos online. Ang dahilan: ang kanyang mga video tungkol sa marangyang pamumuhay ay naiuugnay ngayon sa kontrobersyal na isyu ng mga bigong flood control projects ng gobyerno.
“I never intended to hurt anyone. Vlogging was my way of sharing my life, but I understand the timing was wrong. For now, I choose to step back and reflect.” -Claudine Co
Nagsimula ang online outrage matapos i-upload ni Claudine ang isang vlog kung saan makikita siyang sakay ng private plane papuntang La Union. Sa halip na matuwa, maraming netizens ang nagalit at nagsabing hindi ito tamang ipakita sa gitna ng mga alegasyon laban sa kanilang pamilya.
Ang kanyang content ay nakatuon sa luxury lifestyle mga house tours, branded items, at exclusive travels na dati ay kinagigiliwan ng kanyang 340,000 YouTube subscribers. Ngunit ngayon, ito ang nag-udyok para tawagin siyang “insensitive” at “out of touch” ng publiko.
Lalong lumala ang isyu nang maglabas ng datos si President Ferdinand Marcos Jr., na nagsasabing kabilang ang Hi-Tone Construction and Development Corp. at Sunwest Group of Companies sa Top 15 contractors na tumanggap ng bilyun-bilyong halaga para sa flood control projects.
Ang pagkakasangkot ng dalawang kumpanya ay nagbunsod ng mas matinding tanong tungkol sa politikal at pang-negosyong interes ng pamilya Co.
Matapos ang malawakang pambabatikos, tuluyan nang nawala online presence ni Claudine. Deactivated na ang kanyang YouTube at Instagram accounts isang hakbang na maraming netizens ang nagsabing “damage control” lamang.
Ang kaso ni Claudine Co ay patunay na sa panahon ng social media, hindi pinalalampas ng publiko ang tila kawalan ng malasakit at pagiging insensitive, lalo na kung may koneksyon ito sa mga isyu ng pamahalaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento