Isang mahalagang panawagan ang ginawa ni House spokesperson Atty. Princess Abante nitong Biyernes sa ginanap na forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA). Kaugnay ito ng lumalaking isyu hinggil sa mga flood control projects na iniimbestigahan at sa mga “nepo babies” o anak at kaanak ng mga politikong nadadawit sa kontrobersya.
“Being bullied online is tough. We’ve all experienced that. But I think now we will focus more on addressing the problem. And hopefully, the public will also be careful when it comes to bullying.” -Atty. Princess Abante
“Kung may pananagutan, dapat managot sa tamang proseso. Pero sana maging maingat tayo sa pagbato ng salita lalo na kung bata o kamag-anak ang tinatamaan. Accountability is important, but so is compassion.” dagdag nito.
Ayon kay Abante, nauunawaan niya kung bakit may mga netizens na binabaling ang galit sa mga anak at kamag-anak ng mga opisyal na dawit sa anomalya. Ngunit pinaalalahanan din niya ang publiko na mag-ingat at huwag gawing personal na target ang mga bata o kamag-anak na wala namang direktang kinalaman sa mga alegasyon.
Nilinaw din ni Abante na hindi niya kinokondena ang paghahanap ng pananagutan. Bagkus, naniniwala siyang may mga tamang paraan upang mapanagot ang mga opisyal na sangkot.
“There are proper ways to hold public officials accountable. But if we are going to be sensitive to the bullying of one, we should look at all. Let’s not be selective about where we show sensitivity.”
Dagdag pa niya, kung talagang may pananagutan, ito ay dapat dumaan sa tamang proseso ng batas.
Pinatunayan din ni Abante na hindi haharangin ng Kamara ang anumang imbestigasyon ng ehekutibo laban sa mga opisyal na may kaugnayan sa kontrobersyal na flood control projects. Ito ay bahagi ng panawagan ng transparency at pananagutan ng gobyerno.
Ang pahayag ni Atty. Princess Abante ay nagsilbing paalala sa publiko na bagama’t mahalaga ang transparency at pananagutan, hindi dapat idamay ang mga inosenteng anak at kaanak ng mga politiko. Sa halip, dapat ipokus ang laban sa tamang proseso at imbestigasyon upang tunay na makamit ang hustisya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento