Advertisement

Responsive Advertisement

DPWH TRAVEL BAN, LAHAT NG OPISYAL BAWAL MAG-ABROAD DAHIL SA FLOOD PROJECT ANOMALYA: "EFFECTIVE IMMEDIATELY UNTIL THIS ANOMALY IS RESOLVE"

Sabado, Agosto 30, 2025

 



Naglabas ng memorandum ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagsususpinde ng pagbiyahe abroad ng lahat ng kanilang opisyal at empleyado sa loob ng tatlong buwan, kasabay ng imbestigasyon kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.


“Effective immediately until the end of November 2025, or until lifted earlier or extended, all applications for personal travel abroad are suspended, except for urgent medical reasons. This is in line with the ongoing validation of DPWH projects and our commitment to transparency, accountability, and public service integrity,” saad ni Bonoan.


“Ito ay hindi parusa kundi bahagi ng ating commitment sa transparency. Ang pondo ng bayan ay para sa mamamayan, at sisiguraduhin naming may pananagutan ang bawat proyekto ng DPWH.” dagdag nito.


Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, epektibo agad ang direktiba at tatagal hanggang katapusan ng Nobyembre 2025, maliban na lamang kung ito ay maagang i-lift o palawigin.


Nag-ugat ang aksyon matapos ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos na magsumite ng lahat ng natapos na proyekto ng DPWH. Sa kanyang sunod-sunod na inspeksyon, natuklasan ang ilang palpak na flood control projects na pinondohan mula pa noong 2022.


Ang suspensyon ay bahagi ng mas mahigpit na validation at auditing na isinasagawa ng DPWH upang tiyakin na ang pondo ng bayan ay hindi nasasayang at ang mga proyekto ay naaayon sa pamantayan.


Ang hakbang ng DPWH na suspindihin ang lahat ng biyahe abroad ay malinaw na indikasyon ng mas seryosong pagsugpo sa mga iregularidad. Bagama’t pansamantalang hakbang lamang ito, nagsisilbi itong pahayag na hindi palalampasin ng pamahalaan ang katiwalian sa flood control projects.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento