Anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte nagsalita laban sa mga alegasyong siya umano ay isang “nepo baby” isang terminong ginagamit sa mga anak ng sikat o makapangyarihang personalidad na sinasabing nakikinabang mula sa impluwensya ng kanilang pamilya.
“People often label me as one of the ‘nepo babies,’ but I want everyone to understand that I have worked extremely hard to earn my own money and achieve financial independence,” ani Kitty.
“I take pride in being self-reliant and not depending on others to reach my goals. My upbringing instilled in me the values of diligence and perseverance, and I continue to embrace those principles in my daily life,” dagdag pa niya.
Sa kanyang naging pahayag, binigyang-diin ni Kitty na sariling sikap at tiyaga ang puhunan niya upang makamit ang kanyang kinikita at mga oportunidad.
Ibinahagi rin niya na siya mismo ay aktibong nag-e-engage sa live selling, kung saan ibinebenta niya ang mga produktong personal niyang ginagamit. Bukod dito, mayroon din siyang mga endorsements na nakuha sa tulong ng kanyang sariling effort at dedikasyon.
Dagdag pa ni Kitty, malaking bahagi ng kanyang disiplina ay galing sa mga halagang itinuro sa kanya ng kanyang pamilya ang kasipagan, tiyaga, at pagiging responsable. Ngunit paglilinaw niya, hindi siya umaasa sa pangalan o impluwensya ng kanyang ama upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Sa kabila ng mga batikos at bansag na “nepo baby”, pinatunayan ni Kitty Duterte na kaya niyang kumita at tumayo sa sariling sikap. Sa pamamagitan ng live selling at endorsements, ipinapakita niya na hindi lahat ay nakabatay lamang sa pangalan ng kanyang pamilya kundi sa sariling tiyaga at pagpupursige.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento