Advertisement

Responsive Advertisement

ARTIKULO: MARIAN RIVERA, BUKAS ANG PUSO SA PAGDIDISIPLINA NG MGA ANAK LABAN SA BULLYING: "NAGSISIMULA ANG LAHAT SA TAHANAN "

Linggo, Agosto 31, 2025

 





Isa sa mga kinikilalang Primetime Queens ng GMA, si Marian Rivera, ay hindi lamang isang aktres kundi isang mapagmahal na ina na seryoso sa pagpapalaki ng kanyang mga anak na sina Zia at Sixto. Para kay Marian, higit pa sa mga material na bagay ang dapat ituro sa mga bata ito ay ang pagkakaroon ng mabuting asal, respeto, at malasakit sa kapwa.


“Siguro maganda na sa bahay pa lang ay pinapaalam mo na sa kanila yung mga benipisyo kapag maging healthy sila, yung healthy living. Pero, hindi ibig sabihin, kasi mga bata pa sila, hindi ibig sabihin kailangan yung mga gusto nila ay hindi mo ibibigay. So, once in a while, may cheat day naman yung mga bata kasi pag wala, kawawa naman. Kumbaga, lahat naman puwede, huwag lang sosobra.” -Marian


Sa isang panayam, inilahad ni Marian kung paano niya tinuturuan ang kanyang mga anak na maging conscious sa healthy living kahit bata pa sila. Ayon sa kanya, maganda na bata pa lang ay naiintindihan na nila ang benepisyo ng maayos na pamumuhay.


Ngunit higit sa lahat, binibigyang-diin ni Marian ang kahalagahan ng tamang values. Isa sa kinatatakutan niya bilang magulang ay ang posibleng maging bully ang kanyang mga anak o kaya naman ay sila mismo ang mabiktima ng pambubully.


“Magandang-maganda siguro na may rules kayo sa bahay at nag-uusap kayo ng heart-to-heart kung ano ang dapat gawin bilang isang tao. Dahil syempre ako bilang magulang, ayaw ko maging ganun ang anak ko o ayaw kong ma-experience ng anak ko yun.”


Para sa kanya, Isa sa mga kinikilalang Primetime Queens ng GMA, si Marian Rivera, ay hindi lamang isang aktres kundi isang mapagmahal na ina na seryoso sa pagpapalaki ng kanyang mga anak na sina Zia at Sixto. Para kay Marian, higit pa sa mga material na bagay ang dapat ituro sa mga bata ito ay ang pagkakaroon ng mabuting asal, respeto, at malasakit sa kapwa.ang disiplina, respeto, at tamang pakikitungo sa kapwa.


Ang pagiging ina para kay Marian Rivera ay hindi lamang pagbibigay ng luho at proteksyon kundi pagtuturo ng tamang asal at values. Sa kanyang paninindigan, malinaw na nais niyang palakihin sina Zia at Sixto na may malasakit, respeto, at integridad mga katangiang higit na mahalaga kaysa anumang tagumpay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento