Nagbigay ng diretsahan pero mahinahong payo si Atty. Garreth kay Meiko Montefalco, matapos nitong lumapit sa programang “Raffy Tulfo in Action” para ilapit ang kanyang problema sa bahay na kanyang ipinagawa sa lupang hindi nakapangalan sa kanya, kundi sa pamilya ng kanyang asawang si Patrick.
“Masakit man, pero kapag hindi sa iyo ang lupa at wala kang kontrata, mahina ang posisyon mo. Sa mga ganitong sitwasyon, mas makabubuting manahimik at pag-usapan ito sa maayos na paraan, para hindi mo rin masira ang sarili mong laban.” -Atty. Garreth
Ayon kay Meiko, may verbal agreement umano sila ng mga magulang ni Patrick noon na ipapamana sa kanila ang lupa. Dahil dito, nagdesisyon siyang ipagawa ang bahay — at ayon sa kanya, umabot sa mahigit ₱4 milyon ang kabuuang ginastos niya sa pagpapagawa.
Sa panayam, sinabi ni Atty. Garreth na dapat maghinay-hinay si Meiko sa pagbabahagi ng detalye ng kaso sa publiko upang hindi ito makasama sa kanyang posisyon kung mauwi ito sa legal na proseso:
“For your own sake, so you can have a better legal position and a better position in the negotiating table, tama na. And if you can, delete what has been posted.”
Paliwanag ng abogado, mas mahirap ang laban kung verbal agreement lang ang basehan, lalo na’t wala itong matibay na dokumento o pirma. Dagdag pa niya, ang ganitong klaseng isyu ay mas epektibong naaayos sa mahinahon at pribadong usapan kaysa sa publiko.
Ang kwento ni Meiko ay hindi na bago sa mga kaso ng ari-arian na nakaangkla lamang sa tiwala at verbal na kasunduan. Maraming netizens ang nakisimpatya kay Meiko dahil sa laki ng ginastos niya at intensyong para sa pamilya, ngunit ayon sa mga legal expert, kailangang dokumentado ang lahat lalo na pagdating sa lupa.
Ang sitwasyon ni Meiko Montefalco ay isang leksyon para sa lahat: huwag basta magtitiwala sa verbal agreement, lalo na pag pag-uusapan na ang milyon-milyong halaga at ari-arian.
Ang payo ni Atty. Garreth ay hindi para manisi, kundi para protektahan si Meiko at ang sinumang nasa parehong sitwasyon — na sa gitna ng emosyon, ay kailangang pairalin ang mahinahong pag-iisip at tamang proseso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento