Nag-viral kamakailan ang kwento ni Meiko Montefalco, matapos itong lumapit kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong sa kinakaharap na problema sa bahay na ipinatayo niya sa lupa ng pamilya ng kanyang asawang si Patrick.
“Ang bahay na ‘yon ay itinayo ko para sa kinabukasan ng mga anak ko. Pero kung sa dulo, hindi rin namin ito mapapakinabangan mas pipiliin ko pang gibain ito kaysa makita itong inaangkin ng iba.” -Meiko Montefalco
Sa panayam, ipinahayag ni Meiko na nagpatayo siya ng bahay sa naturang lote base lamang sa verbal agreement noon na ipapamana raw sa kanila ang lupa. Sa kabila ng kanyang mahigit ₱4 milyon na ginastos, nagbago ang ihip ng hangin — hindi raw sang-ayon ang pamilya ni Patrick na ibenta sa kanya ang lupa, o kahit ibalik man lang ang kanyang ginastos.
Bilang reaksyon sa isyu, nagbigay ng payo si Atty. Garreth kay Meiko sa pamamagitan ng isang legal opinion:
“For your own sake, so you can have a better legal position and a better position in the negotiating table, tama na. And if you can, delete what has been posted.”
Ayon sa abogado, maiging umiwas sa public confrontation para mas maging pabor sa kanya ang usapan kung umabot man sa legal na proseso.
Sinubukan ni Meiko na makipagkasundo sa pamilya ng asawa—ibenta ang lupa at ibalik na lang ang kanyang ginastos, pero tumanggi ang mga ito dahil daw sa “sentimental value” ng kanilang pag-aari.
Wala rin daw kakayahang bayaran ng pamilya ni Patrick ang milyong pisong ginastos ni Meiko para sa bahay, at ayaw rin nilang paupahan ito sa kanya.
Dahil dito, sinabi ni Meiko na ayaw na rin niyang tumira sa bahay, lalo na’t marami na raw masasamang alaala ang naka-ukit doon.
Sa kabila ng sakripisyo at malaking gastos, inamin ni Meiko na handa na niyang ipa-demolish ang bahay kung hindi rin lang ito mapapakinabangan ng kanyang mga anak:
“Para po ‘yun sa mga anak ko. Hindi ko po alam kung sino ang makikinabang 'nun someday. Kaya kung hindi po namin mapapakinabangan ng mga anak ko ‘yun which is the sole purpose why I built that house wala na lang makikinabang.”
Ang kwento ni Meiko Montefalco ay paalala sa kahalagahan ng dokumentado at malinaw na kasunduan, lalo na pagdating sa ari-arian at relasyon sa pamilya. Sa gitna ng emosyon at pag-asa, hindi sapat ang salita lamang kailangang may konkretong batayan para maprotektahan ang sariling karapatan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento