Advertisement

Responsive Advertisement

KC CONCEPCION, PUMAPAYAT NA AT MAS GLOWING PA, NAKAFOCUS NA NGAYON SA WELLNESS AT SELF-LOVE

Huwebes, Hulyo 10, 2025

 



Marami ang napansin at humanga sa mas fit at blooming na anyo ng aktres at businesswoman na si KC Concepcion matapos niyang ibahagi ang kanyang "wellness era" journey sa isang Instagram post. Mula sa pag-eehersisyo, healthy meals, hanggang sa relaxing therapies — todo na ang kanyang commitment sa healthy lifestyle.


“Love being in my wellness era. Natuto akong pakinggan ang katawan ko, kumain nang tama, at mas mahalin ang sarili ko. Kung dati stress ang inuuna ko, ngayon sarili ko muna. Let’s goooo!”


Sa kanyang post, sinabi ni KC:


“Life lately looks like: Pilates training + fascia release love with the one and only VZ @vivianzapanta... Homecooked clean meals that actually taste good... Ice bath + sauna therapy... Pickleball nights... Love being in my wellness era, so let’s goooo!”


Ang kanyang mga followers ay todo puri sa kanyang transformation — mas payat, mas fresh, at mas positibo raw ang aura ni KC. Ayon sa ilan, "glow up with purpose" ang peg ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.



Ang journey ni KC Concepcion ay paalala sa marami na ang self-love ay hindi pagiging makasarili, kundi isang importanteng hakbang tungo sa mas masayang buhay. Sa kanyang pagpili na maging mas malusog, mas aktibo, at mas mindful sa katawan at isipan, inspirasyon siya sa mga taong gustong magbago at mag-improve.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento