Naniniwala si dating Pangulong Rodrigo Duterte na totoo at tapat ang pagkakaibigan nina Senadora Imee Marcos at Vice President Sara Duterte. Sa isang video na ibinahagi online mula sa kanilang pagkikita sa The Hague, Netherlands nitong Hulyo 15, ikinuwento ni VP Sara ang sinabi ng kanyang ama:
“Sabi niya, ‘I believe she is sincere with her friendship with you. Puwede naman siyang hindi makipagkaibigan sa ‘yo e. Pero nakikipagkaibigan siya sa ‘yo.’”
Ayon kay VP Sara, ramdam niyang walang halong pulitika o personal na interes ang pakikitungo sa kanya ni Senadora Imee.
“Ang pagkakaibigan namin ni Senadora Imee ay hindi gawa-gawa lang. Totoong may malasakit siya sa akin at sa ginagawa ko. Masarap po sa pakiramdam na alam mong may taong tapat na nakasuporta sa’yo, lalo na sa gitna ng mabibigat na responsibilidad.” -Vice President Sara Duterte
Nag-ugat ang usapan tungkol sa mas malalim na ugnayan ng dalawa matapos mabalitang lumipad si Senadora Imee patungong Netherlands para bisitahin si VP Sara. Ang kanilang pagkikita ay nagpasigla muli ng mga espekulasyon hinggil sa posibilidad ng “Sara-Imee” tandem sa 2028 elections.
Matatandaang inendorso ni VP Sara si Senadora Imee noong 2025 midterm elections, dahilan para mas lumalim pa ang intriga ng publiko.
Maraming netizens ang natuwa sa balitang ito, dahil bihira umanong makitang magkaibigan ang dalawang matataas na opisyal na hindi nagbabangayan sa politika.
Narito ang ilang komento:
"Masarap sa mata na makita silang nagkakaintindihan, hindi lang puro awayan sa politika."
"Sana nga totoo, hindi lang pang-eleksyon ang samahan nila."
Sa kabila ng mga intriga sa politika, pinatunayan nina Vice President Sara Duterte at Senadora Imee Marcos na may mga pagkakaibigang mas matibay pa sa anumang posisyon o kapangyarihan.
Sa panahon kung kailan uso ang bangayan sa pulitika, mainam na may mga lider na kayang makisama nang tapat at walang halong pag-iimbot.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento