Isang malaking ginhawa para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ang inihayag ni President Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules, Hulyo 17, matapos opisyal na ilunsad ang 50% na diskwento sa pamasahe sa mga tren sa Metro Manila.
“Hindi lamang ito tungkol sa pamasahe. Ito ay tungkol sa pagkilala sa pangangailangan ng ating mga senior citizens at PWDs na madalas ay limitado ang kinikita. Ang diskwento ay simpleng bagay, pero malaking tulong para sa araw-araw nilang pagbiyahe. Patuloy tayong magbibigay ng serbisyo na makatao at makatarungan para sa lahat ng Pilipino.” -President Ferdinand Marcos Jr.
Saklaw ng bagong fare discount ang:
Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)
Light Rail Transit Line 1 (LRT-1)
Light Rail Transit Line 2 (LRT-2)
Ayon kay Pangulong Marcos, mula sa dating 20% na statutory discount, ginawa na itong 50% bilang konkretong hakbang para tulungan ang mga sektor na may limitadong kita.
“Ngayon naman ay idadagdag natin sa grupong ‘yun na mabibigyan ng 50 percent discount ang mga senior citizens at ang mga PWD,” pahayag ng Pangulo sa MRT-3 Santolan-Annapolis Station sa Quezon City.
Ayon sa datos ng pamahalaan:
13 milyong senior citizens
7 milyong PWDs
Ang makikinabang mula sa programang ito.
Dagdag pa ng Pangulo:
“Alam naman natin… mga estudyante, ang PWD, mga senior citizens ay talaga naman eh kailangan ng tulong natin dahil very limited ang kanilang income.”
Sa panibagong programang inilunsad ni Pangulong Marcos, mas magiging abot-kaya na ang pag-commute para sa mga senior citizens at persons with disabilities. Isa itong malinaw na hakbang para sa mas inklusibong serbisyo publiko, kung saan lahat ay may pantay na access at benepisyo, anuman ang estado sa buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento