Advertisement

Responsive Advertisement

MALACAÑANG MAY PANININDIGAN: ‘DI NAMIN KAILANGAN MAGPALIWANAG KAY IMEE MARCOS”

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 



Hindi nagbigay ng karagdagang pahayag ang Malacañang hinggil sa panawagan ni Senadora Imee Marcos na maglabas ng komprehensibong ulat kaugnay sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco sa Amerika.


“Hindi kami nagtatago ng impormasyon, pero hindi rin kami magbibigay ng pahayag para lamang mapagbigyan ang kagustuhan ng iilan. Ang tungkulin ng Malacañang ay magsabi ng totoo sa sambayanang Pilipino, hindi sa sinuman. Sa isyung ito, malinaw: fake report, digitally altered, at may pananagutan ang nagpakalat.” -Atty. Claire Castro


Ayon kay Atty. Claire Castro, Palace Press Officer, malinaw na nailabas na ng Palasyo ang kanilang opisyal na pahayag noong Martes, partikular sa pagkontra sa kumakalat na umano’y fake news police report.


“Hindi kami gagawa ng pagpapaliwanag dahil lamang sa utos ninoman. Ibinigay na namin ang statement nitong Martes para paliwanagan ang taumbayan dahil sa kumakalat na fake news na ito, disinformation,” ani Castro.


Binigyang-diin pa ni Atty. Castro na ang Malacañang ay may pananagutan lamang sa taumbayan, hindi sa kahit sinong opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang mga senador.


“Wala kaming obligasyon na mag-report kanino man, at ang obligasyon na ipaalam ang katotohanan ay sa taumbayan,” dagdag niya.


Ayon kay Castro, ang kumakalat na police report na nag-uugnay kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa insidente ay peke at digitally altered.


Bagamat wala pa silang kumpirmadong impormasyon kung sino ang mismong nag-ayos ng dokumento, malinaw umano kung sino ang nagpakalat nito.


“Wala kaming impormasyon kung sino mismo ‘yung nag-alter, pero kung sino ‘yung naglabas, ang presumption siya ‘yung nag-alter. Presumption, ganyan sa batas natin,” paliwanag ni Castro.


Sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas, kabilang si Sen. Imee Marcos, naninindigan ang Malacañang na sapat na ang kanilang inilabas na pahayag hinggil sa pagkamatay ni Paolo Tantoco.


Pinaiigting din ng Palasyo ang panawagan laban sa pagkalat ng disinformation, lalo na kung nadadamay ang mga opisyal ng pamahalaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento