Muli na namang naging usap-usapan online ang Kamuning Footbridge sa EDSA matapos ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ito ay gigibain at ire-rehabilitate sa halagang PHP89,129,402.57.
“Ang proyekto po na ito ay bahagi ng mas malawak na plano para sa pag-improve ng mass transportation facilities sa EDSA Busway. Kasama rito ang pagtiyak sa kaligtasan at ginhawa ng mga commuter. Hinihiling namin ang pang-unawa ng publiko habang isinasagawa ito.” -DOTr
Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng bagong busway station sa lugar, na ayon sa DOTr ay bahagi ng mas malawak na hakbang upang mapabuti ang public transport access sa Metro Manila.
Bagama't may layunin ang proyekto na mapaganda ang pasilidad para sa commuters, hindi natuwa ang maraming netizens sa inilaang budget.
Narito ang ilan sa mga komento online:
“PHP89 million para sa footbridge at busway? Baka made of gold na ‘yan!”
“Sana maliwanag kung saan napupunta ang bawat piso. Tax din ‘yan ng mga tao.”
“May footbridge pa lang ganyan kamahal na? Paano pa kaya kung flyover?”
Ayon sa inilabas ng DOTr na Invitation to Bid notice, ang proseso ay may pre-bid conference sa July 18, 2025, at ang bidding proper ay magsisimula sa July 30, 2025.
Ang mananalong contractor ay mayroong 180 days (mahigit anim na buwan) para tapusin ang proyekto mula sa pag-rehabilitate ng footbridge hanggang sa pagbuo ng busway station.
Habang malinaw na may layunin ang DOTr na mapaganda ang pampublikong transportasyon sa Kamuning area, hindi rin maikakaila ang sentimyento ng publiko tungkol sa laki ng budget.
Sa huli, transparency at accountability ang hinihiling ng taumbayan — kung saan ginagamit ang buwis ng mamamayan ay dapat malinaw at makatwiran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento