Advertisement

Responsive Advertisement

“EDITED LANG YAN!” SARA DUTERTE, NILINAW ANG VIRAL PHOTO NI DATING PANGULONG DUTERTE SA HOSPITAL

Linggo, Hulyo 13, 2025

 



Nagbigay ng malinaw na pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kumakalat na larawan sa social media na nagpapakitang nakahiga sa hospital bed si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Sara, hindi totoo ang nasabing larawan at binigyang-diin niyang mukhang in-edit lamang ito.


“Hindi totoo na ‘yan ang litrato niya. Peke ‘yan, mukhang ibang pasyente ‘yan na pinalitan lang ng mukha ng dating Pangulong Duterte, Pinapaalalahanan ko po ang publiko, huwag basta-basta maniniwala sa mga kumakalat na larawan o balita online lalo na kung walang kumpirmasyon. Nasa maayos pong kalagayan ang aking ama" ayon kay Sara sa isang panayam.


Paliwanag pa ni VP Sara, hindi naka-admit sa ospital ang kanyang ama. Nasa regular wing daw ito ng International Criminal Court (ICC) at hindi sa hospital unit gaya ng pinaniniwalaan ng ilan.


“Kanina nga, naglalakad siya mag-isa, may tungkod lang. Malinaw na hindi siya may sakit,” dagdag niya.


Aminado si VP Sara na malaki ang ipinayat ng dating pangulo. Gayunpaman, binanggit niyang hindi naman ito mukhang nanghihina.


“Ngayon ko lang siya nakita na ganito kapayat, bukod nung bata pa siya. Pero ang mukha niya, hindi naman nagsasag. Parang may ‘glow’ pa rin,” biro ni Sara.


Dagdag niya pa:

“Sabi ko nga sa mama ko, baka naman dahil may inner beauty. Glowing pero payat. Siguro control lang niya ‘yung timbang niya kasi diabetic siya.”


Sa panahon ngayon na laganap ang fake news at edited photos, mahalaga ang maging mapanuri. Ang pahayag ni Vice President Sara Duterte ay malinaw na pagpapaalala sa publiko na hindi lahat ng nakikita sa social media ay totoo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento