Umugong online ang pangalan ng female content creator na si Cherrylyn Larga Gonzaga, mas kilala bilang Cherry White, matapos ipataw ng Department of Transportation (DOTr) ang 90-araw na suspensyon sa kanyang driver’s license.
Ang dahilan? Isang viral video kung saan makikitang nakataas ang kanyang kaliwang paa habang nagmamaneho, at tila sumasayaw-sayaw pa.
Ayon sa DOTr post noong July 12, 2025, kasama sa ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) kay Cherry White ang:
Pagsusumite ng written explanation kung bakit hindi siya dapat patawan ng karagdagang parusa:
Pagsurender ng lisensya sa July 16, 2025
Posibleng pagharap sa kasong Reckless Driving habang ang kotse na ginamit ay nasa ilalim ng “under alarm.”
Batay sa pahayag ng DOTr:
“She appeared disengaged from proper vehicle operation, thereby endangering the safety of other road users.”
Matapos lumabas ang balita, nag-post ng video si Cherry White kung saan tila hindi niya sineseryoso ang isyu. Imbes na harapin ang kanyang violation, nag-focus siya sa pagpo-promote ng kanyang bleaching cream.
“Ang daming nagtatanong sa akin kung totoo daw ba iyan. Tingnan niyo itsura ko, nakabukaka. Nabansagan tayong Bukaka Girl.”
Nagpatuloy pa si Cherry White sa pagpo-promote ng kanyang produkto, kahit trending na siya dahil sa posibleng paglabag sa batas trapiko.
“Alam ko pong may mga nagalit sa akin, pero hindi ko po sinasadyang maging masama ang epekto. Patawad kung may naabala. Pero sana rin, huwag agad husgahan ang isang video lang, may mga bagay din akong pinapahalagahan gaya ng trabaho ko.” -Cherry White
Ang kaso ni Cherry White ay isa na namang paalala kung paano ang simpleng social media content ay maaaring humantong sa real-world consequences.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento