Advertisement

Responsive Advertisement

CHERRY WHITE, IMBES HUMINGI NG TAWAD, NAG-PROMOTE PA NG BLEACHING CREAM SA GITNA NG VIRAL NA VIOLATION

Linggo, Hulyo 13, 2025

 



Sa halip na humingi ng dispensa matapos masangkot sa isyu ng irresponsableng pagmamaneho, mas pinili ni Cherry White, isang kilalang female vlogger, na mag-promote ng kanyang bleaching cream sa kanyang social media video.


“Hindi ko po intensyon na magpasama ng loob. May sarili po akong paraan kung paano ko haharapin ang problema ko, pero sana rin, maintindihan ninyo na may trabaho rin akong pinanghahawakan.” -Cherry White


Matatandaang pinatawan si Cherry White ng 90-araw na suspension ng kanyang driver’s license ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa viral video kung saan makikitang nagmamaneho siya habang nakataas ang kaliwang paa at tila sumasayaw pa.


Sa kanyang video post, imbes na aminin ang pagkakamali o humingi ng paumanhin sa LTO at sa netizens, tila ginawa pang katuwaan ang insidente ni Cherry White.


“Ang daming nagtatanong sa akin kung totoo daw ba iyon. Tingnan niyo itsura ko, nakabukaka. Nabansagan tayong Bukaka Girl,” ani Cherry habang nagpo-promote ng kanyang bleaching cream.


Habang sinasabi niya ito, wala siyang binanggit na tungkol sa Show Cause Order ng LTO o sa posibleng kaso ng Reckless Driving na kinakaharap niya.


Ang kilos ni Cherry White ay malinaw na nagpapakita ng pagkakaiba ng priorities sa panahon ngayon ng social media:

May ilan na mas pinipiling pagtuunan ng pansin ang personal na brand at negosyo kaysa harapin ang responsibilidad sa publiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento