Sa gitna ng banta ng Bagyong Crising, personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa National Resource Operations Center (NROC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Pasay City. Ang layunin ng inspeksyon: siguruhing handa ang pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng mga maaapektuhang Pilipino.
“Ayokong may Pilipinong magutom o matulog sa gutom tuwing may kalamidad. Kaya’t sinigurado ko mismo na handa ang mga kakailanganin ng ating mga kababayan. Hindi natin sila pababayaan.” -Pangulong Marcos
Ayon sa ulat ng DSWD, mahigit 3 milyong relief packs na ang naipuwesto sa iba't ibang bahagi ng bansa. Kasama rito ang:
Hygiene kits – para sa kalinisan at proteksyon sa sakit
Kitchen kits – gamit sa pagluluto para sa mga lumikas
Sleeping kits – kumot at banig para sa komportableng pamamahinga
Timba na may water filter – malinis na inuming tubig kahit sa gitna ng sakuna
Ang mga ito ay naka-standby na at maaari nang ipamahagi agad sa mga maaapektuhang lugar.
Katuwang ng DSWD sa pagbibigay ayuda ang mga lokal na pamahalaan, militar, at iba pang sangay ng gobyerno upang masigurong mabilis at maayos ang pamamahagi ng tulong.
Hindi lamang sa MalacaƱang ang serbisyo publiko. Sa paglabas ni Pangulong Bongbong Marcos at personal na pagtutok sa paghahanda ng DSWD, naipapakita ang seryosong malasakit ng liderato sa mga mamamayan.
Sa panahon ng sakuna, tunay na kahanga-hanga ang isang pinunong handang makihalubilo sa operasyon hindi para magpakitang gilas, kundi para tiyaking walang Pilipinong maiiwan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento