Advertisement

Responsive Advertisement

PASAWAY NA BUS DRIVER, SINUSPENDE NG LTO MATAPOS MAHULING NAGSUSUGAL ONLINE HABANG NAGMAMANEHO

Martes, Hulyo 15, 2025

 



Isang viral video na kuha ng pasahero ang naging dahilan para masuspinde ang lisensiya ng isang bus driver mula sa Kersteen Joyce Transport matapos itong makitang nagsusugal sa cellphone habang nagmamaneho.


Ayon kay Land Transportation Office (LTO) acting Assistant Secretary Greg Pua, binigyan ng show cause order ang naturang driver at pinatawan ng 90-araw na suspensyon ng lisensiya dahil sa malinaw na paglabag sa traffic rules. Kasama rin sa posibleng masampahan ng parusa ang kumpanya ng bus na kanyang pinapasukan.


“Hindi po biro ang ganitong paglabag. Ang pagiging driver ng pampublikong sasakyan ay isang responsibilidad, hindi puwedeng ipagsawalang-bahala ang buhay ng ibang tao. Malinaw ang adiksyon ng driver sa online gambling na muntik nang magpahamak sa buhay ng kanyang mga pasahero,” pahayag ng LTO Assistant Secretary Greg Pua


Ang insidente ng bus driver na nahuling nagsusugal habang nagmamaneho ay paalala sa lahat ng mga motorista: Ang kalsada ay hindi lugar ng pagko-concentrate sa ibang bagay maliban sa pagmamaneho.


Bilang pampublikong tagapaghatid, nararapat lamang na unahin ang kaligtasan ng bawat pasahero.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento