Diretsahang sinabi ni AKBAYAN Party-list Representative Chel Diokno na lumalabag sa Saligang Batas ang Senado dahil sa patuloy nitong pag-antala sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Ang Konstitusyon po natin ay hindi ginawa para lang sa mga pulitiko. Ginawa ito para sa lahat ng Pilipino. Kung nilalabag na ito, tungkulin nating ipaalala at itama. Walang sinuman ang mas mataas sa batas.” -Chel Diokno
Ayon kay Diokno, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 44% ng mga Pilipino ang naniniwalang sinasadya ng Senado ang pagbagal ng proseso. Tanging 25% lamang ang hindi sang-ayon, habang ang natitira ay undecided o walang alam sa isyu.
“Malinaw na malinaw ang utos ng Saligang Batas,” ani Diokno.
“Kapag naisumite na ang verified complaint na may lagda ng hindi bababa sa isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara, tungkulin ng Senado na agad simulan ang paglilitis.”
Binigyang-diin ni Diokno na hindi lamang ang mga senador ang dapat humusga sa kaso ni VP Sara:
“Sa isang impeachment trial, hindi lang ang senator-judges ang humahatol. Kasama ang sambayanang Pilipino sa paghusga. Karapatan ng publiko na makita at marinig ang ebidensiya.”
Ang isyu ng pagkaantala ng impeachment trial ni VP Sara Duterte ay nagbubukas muli ng diskusyon tungkol sa transparency, accountability, at respeto sa Saligang Batas.
Tulad ng binanggit ni Rep. Chel Diokno, ang batas ay para sa lahat—hindi para sa kapritso ng iilang tao. Kaya’t mahalagang bantayan ng publiko ang bawat hakbang ng ating mga mambabatas upang matiyak na ang proseso ay makatarungan, mabilis, at bukas para sa lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento