Advertisement

Responsive Advertisement

BONG GO, DI NAPIGIL ANG LUHA KAY DATING PANGULONG DUTERTE: “NAMIMISS KO SIYA, HINDI NIYA ITO DESERVE”

Martes, Hulyo 15, 2025

 



Hindi na napigilan ni Senator Bong Go ang maging emosyonal nang kumpirmahin niya sa media ang lumalalang kondisyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands.


“Minahal niya po tayo. Pinaglingkuran niya ang buong bansa nang tapat at walang pagod. Sana naman, kung darating man ang oras, makabalik siya sa ating bayan. Hinding-hindi ko po siya makakalimutan.” -Bong Go 


Ayon kay Go, mismong anak ni Duterte na si Kitty Duterte ang nagkuwento sa kanya na sobrang payat na raw ng dating pangulo, hanggang sa punto na halos buto’t balat na lamang.


“Ako po’y sobrang nalulungkot. I miss him dearly. Yung nabalitaan natin, totoo po yun na buto’t balat po siya. Dahil mismong isa sa mga anak niya, si Kitty, ay naikuwento sa akin na habang minamasahe nila ‘yung likod, talagang nawala na ‘yung laman,” ani Go.


Dagdag ni Bong Go, mas masakit para sa kanya ang malaman na nagbibigay na ng huling habilin ang dating pangulo. Aniya, hindi raw deserve ni Duterte ang pinagdadaanan niya ngayon.


“Nakakalungkot, nakakaiyak po na dumating tayo sa puntong nagbibigay ng huling habilin ang ating pinakamamahal na dating Pangulong Rodrigo Duterte. He does not deserve this,” emosyonal na pahayag ni Go.


Aminado si Bong Go na ang pinakanatatakot niyang mangyari ay kung sakaling bawian ng buhay si Duterte habang nasa ibang bansa at hindi sa Pilipinas.


“Darating naman tayo sa panahon na kukunin tayo ng Panginoon, sana po’y dito po ‘yun sa ating bayan. Ito po ang kinatatakutan ko pong mangyari sa taong minahal at tinuring ko rin pong parang ama,” dagdag niya.


Ang naging pahayag ni Senator Bong Go ay nagbigay-liwanag sa tunay na kalagayan ng dating Pangulong Duterte: frail, mahina, pero nananatiling matatag sa kalooban.


Bagama't may pinagdaraanan siya ngayon sa ibang bansa, mananatili siyang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. At tulad ng sinabi ni Bong Go,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento