Sa isang panayam, ibinunyag ni Vice President Sara Duterte ang habilin ng kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, tungkol sa kanyang mga labi sakaling siya ay pumanaw habang nasa piitan ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
“Bilang anak, masakit din siyempre pag-usapan ang ganito. Pero malinaw sa kanya ang gusto niya, at bilang pamilya, kailangan din naming pag-isipan kung paano ibibigay ‘yung respeto sa mga desisyon niya.” -Vice President Sara Duterte
Ayon kay VP Sara, malinaw na sinabi ng dating pangulo na ayaw na nitong iuwi ang kanyang katawan sa Pilipinas sakaling mamatay siya habang nakakulong. Mas nais daw nitong ipa-cremate siya sa Netherlands mismo.
“Sabi niya kung saan daw siya mamatay, doon daw siya i-cremate. Sabi niya kung mamatay daw siya dito sa Netherlands, huwag na daw iuwi ‘yung kanyang katawan sa Pilipinas, ipa-cremate lang daw siya dito,” pahayag ni VP Sara.
Aminado si VP Sara na hindi siya sang-ayon sa ideya ng cremation, ngunit sinabi raw ng kanyang ama na siya ang bahala kung susundin ito o hindi.
“Sabi ko, i-discuss na lang natin sa susunod kasi hindi ako pro-cremation, tapos siya, pro-cremation siya. Sabi ko, ano mangyayari kung kunwari hindi namin sundin ‘yung habilin mo na i-cremate ka? Ilibing ka namin doon sa tabi ng tatay mo. Sabi niya, ‘Well, hindi naman, pero pag-isipan ko kung mumultuhin kita o hindi,’” sabay biro ni VP Sara.
Ayon kay Elizabeth Zimmerman, dating asawa ni Duterte, malaki na raw ang ipinayat ng dating pangulo mula nang makulong sa ICC:
“He is okay, but he is so thin. Skin and bones,” ani Zimmerman.
Si Duterte ay 80 taong gulang na at nakulong sa ICC matapos maaresto noong March 11, kasunod ng warrant dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kontrobersyal na war on drugs noong siya ay presidente.
Ang kwento ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isang paalala na kahit gaano kalaki ang naging papel ng isang tao sa lipunan, sa dulo, pare-pareho tayong lahat: may personal na hangarin kung paano natin nais magwakas ang ating buhay.
Pinili man niyang manatili at doon i-cremate sa Netherlands, malinaw na mas importante sa kanya ang katahimikan kaysa seremonya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento