Isang inspirasyon ngayon sa social media si Julian Avila, 49 taong gulang at isang security guard sa University of Caloocan City (UCC), matapos niyang makapagtapos ng Public Administration degree habang patuloy na nagbabantay sa paaralan.
“Para sa lahat ng may pangarap, kahit anong edad mo, basta sipagan mo lang at magtiyaga, darating din ang tamang panahon para makamit mo ang gusto mo. Hindi ko inisip ang pagod, ang mahalaga may marating ako.” -Julian Avila
Ayon sa Facebook post ng UCC, tahimik lamang na ipinagpatuloy ni Avila ang kanyang pag-aaral habang nagtatrabaho sa araw, sabay pasok sa night classes sa ilalim ng special program para sa mga government employees.
Hindi naging madali ang kanyang paglalakbay, ngunit dahil sa dedikasyon, pinagsabay niya ang pagiging security guard at pagiging estudyante.
Ayon kay Julian:
“Hinding-hindi ko po iniwan ang trabaho ko. Nagbantay ako sa araw, nag-aaral sa gabi. Mahirap pero kaya pala. Hindi pa huli ang lahat basta may pangarap ka.”
Matagal na raw niyang pinangarap na makatapos ng kolehiyo upang mas mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya at para na rin sa personal na pag-unlad.
Ang kwento ni Julian Avila ay simpleng paalala na walang pinipiling edad, trabaho, o estado sa buhay ang pag-abot ng pangarap.
Kahit ikaw ay 49 taong gulang, isang security guard, o kahit sino kung may determinasyon ka, walang imposible.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento