Advertisement

Responsive Advertisement

‘NAGING ZOMBIE!’ MGA KABATAAN SA PALAWAN NAOSPITAL DAHIL SA MISTERYOSONG DRUGA

Lunes, Hulyo 28, 2025

 



Naging laman ng balita at social media ang insidente sa Brgy. Mandaragat, Puerto Princesa City, Palawan kung saan tatlong kabataan ang dinala sa ospital matapos magkaroon ng kombulsyon matapos umanong manigarilyo ng isang kakaibang substansiya na kilala sa tawag na “tuklaw.”

Sa isang viral video na ibinahagi ng netizen na si Bryan Oñate, makikita ang tatlong kabataang nanginginig at nagkakombulsyon sa gilid ng kalsada habang nagulat na nakatingin ang ilang mga bystanders. Maririnig pa ang isang tao na nagsabi:

“Naging zombie na ‘yan.”


Ayon sa imbestigasyon ng local police, bago nangyari ang insidente ay nakita ang grupo na naninigarilyo ng hindi pa kilalang materyal.

“Mayroon po silang hinithit na sigarilyo at after po na nilang mahithit ito ay nagkaroon na po sila ng hindi magandang pakiramdam,” paliwanag ni Police Station 1 Commander Aron Elona sa isang ulat ng News5.

Ang tinaguriang “tuklaw” ay sinasabing isang uri ng herbal material na nagmula umano sa Vietnam. Hanggang ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang eksaktong chemical composition ng naturang substansiya.

Ang tatlong kabataan ay dinala agad sa ospital para sa agarang gamutan at obserbasyon. Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga magulang at kabataan na maging maingat sa mga hindi pamilyar na substansiya na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

“Pinag-iingat po natin ang publiko lalo na ang mga kabataan na huwag basta-basta susubok ng kung anong materyal na hindi alam ang pinagmulan at epekto. Mas mabuting umiwas kaysa magsisi sa bandang huli.” -Police Commander

Ang insidente sa Palawan ay paalala sa mga kabataan at magulang na mag-ingat at iwasan ang pag-subok sa mga hindi kilalang sigarilyo o substansiya. Maaaring mukhang inosente, ngunit maaari itong magdulot ng matinding pinsala sa katawan at buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento