Advertisement

Responsive Advertisement

LEILA DE LIMA, HUMINGI NG PAUMANHIN SA KORTE SUPREMA MATAPOS NANIWALA SA ‘FAKE NEWS’

Linggo, Hulyo 27, 2025

 



Naglabas ng pormal na paghingi ng paumanhin si Mamamayang Liberal Party-List Rep. Leila de Lima sa Korte Suprema kaugnay ng kanyang naunang pahayag tungkol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay De Lima, ang pahayag niya na hindi nabigyan ng pagkakataon ang House of Representatives na magkomento sa mga petisyon ay base umano sa maling impormasyon.


“I regret and most humbly apologize to the Supreme Court for characterizing the impeachment decision as ex-parte (from one party),” ani De Lima.


Ayon pa kay De Lima, hindi niya sinasadyang akusahan ang Korte Suprema na hindi nito kinonsidera ang posisyon ng Kamara. Nilinaw niya na nabigyan pala ng pagkakataon ang Kamara na magkomento sa dalawang inihaing petisyon.


“That portion of my statement saying the House was not given an opportunity to comment on the impeachment petitions was grossly ill-advised as it was based on patently wrong information,” dagdag pa niya.


Dagdag ni De Lima, buo ang kanyang pananagutan sa pagkakamali at walang anumang palusot para rito.


“There is no excuse for this mistake and I bear full responsibility for the same,” aniya.


Ang pag-amin at paghingi ng tawad ni Leila de Lima sa Korte Suprema ay isang patunay ng pagiging responsable at pagpapakumbaba ng isang lingkod-bayan. Bagama’t nagmula sa maling impormasyon ang kanyang naunang pahayag, agad siyang umaksyon upang linawin ito at humingi ng kapatawaran.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento