Advertisement

Responsive Advertisement

RODRIGO R. DUTERTE BILL, ISUSULONG NI SEN. IMEE PARA PROTEKTAHAN ANG MGA PILIPINO, "HINDI NA DAPAT MAULIT"

Linggo, Hulyo 27, 2025

 



Matindi ang pahayag ni Senator Imee Marcos matapos niyang ihain ang Senate Bill No. 552 o Rodrigo R. Duterte Bill, na layong gawing krimen ang pagsuko ng sinumang Pilipino sa isang foreign jurisdiction nang walang arrest warrant mula sa korte ng Pilipinas.


Ayon kay Sen. Imee, hindi dapat maulit ang nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), na umano’y kinidnap at dinala sa ibang bansa nang walang tamang proseso.


“Hindi na dapat maulit itong nangyari kay [FPRRD] na kinidnap siya at dinala rito sa ibang bansa,” giit ni Sen. Imee.


Sa explanatory note ng kanyang panukala, iginiit ni Sen. Imee na ang pagkakakulong ni Duterte sa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands ay hindi umano dumaan sa tamang proseso ng batas ng Pilipinas.


“Wala tayong masasabi dahil ‘yung ICC, may proseso sila na kanila. Pero para sa atin sa Pilipinas, labag din sa ating batas ang nangyari. Kaya kailangan managot,” dagdag pa ni Sen. Imee.


Layunin ng panukalang ito na protektahan ang bawat Pilipino laban sa pagsuko sa ibang bansa nang walang malinaw at legal na batayan mula sa korte ng Pilipinas. Isa sa mga probisyon ng bill ay ang pagparusa sa sinumang indibidwal o opisyal na magpapahintulot ng ganitong uri ng paglabag.


“Hindi lang ito tungkol kay FPRRD, ito ay para sa bawat Pilipino. Hindi natin dapat hayaang maulit ang ganitong uri ng pagyurak sa ating batas at soberanya.” -Sen. Imee Marcos


Ang Rodrigo R. Duterte Bill na inihain ni Sen. Imee Marcos ay malinaw na pahayag ng pagprotekta sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino. Ipinapakita nito na kailangang tiyakin ang tamang proseso at paggalang sa batas ng bansa, kahit pa may usapin sa internasyonal na korte.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento