Iginiit ni Usec. Claire Castro na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdinig ng ikatlo at ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives.
Ayon kay Castro, malinaw ang posisyon ng Pangulo na igalang ang proseso ng Kamara at hayaan ang mga mambabatas na gampanan ang kanilang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon.
Binigyang-diin ng MalacaƱang na ang impeachment ay isang mekanismong nakasaad sa batas upang matiyak ang pananagutan ng mga matataas na opisyal. Sa ganitong konteksto, mahalaga umano na walang impluwensiya mula sa ehekutibo sa deliberasyon ng lehislatura.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento