Naglabas ng matapang na pahayag si Davao City Acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng kumalat na isyu na hinamon umano niya si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III sa isang charity boxing match. Sa kanyang podcast, nilinaw ni Baste na wala siyang iniabot na hamon at binansagan pa itong “fake news.”
“Hindi kita hinamon t*nga,” ani Baste, na agad nagtrending sa social media dahil sa diretsahang pahayag.
“Kung may charity boxing kayo, good luck sa inyo. Pero ‘wag niyo akong isama sa usapan kasi wala akong hinahamon. Nag-eenjoy ako dito kasama ang pamilya ko sa Singapore.” -Baste
Ipinaliwanag din ni Baste na hindi siya makakadalo sa charity boxing event ngayong Linggo na inorganisa ng PNP, dahil may nauna na siyang biyahe sa Singapore kasama ang kanyang pamilya. Ang nasabing trip ay matagal nang na-iskedyul at nagsimula pa noong Biyernes.
“Matagal nang planado ang biyahe namin ng pamilya. Wala akong planong umatras dahil wala naman akong challenge na ginawa,” dagdag pa niya.
Mabilis na naging usap-usapan online ang isyu, lalo na matapos kumalat ang mga pahayag ni Baste na tila nagpapakita ng pagkainis sa maling balita. Maraming netizens ang nagkomento na tila nadagdagan lang ang intriga sa pagitan niya at ni Gen. Torre, kahit pa nilinaw na ng alkalde ang lahat.
Ang pagtanggi ni Baste Duterte na hinamon niya si PNP Chief Gen. Nicolas Torre III ay nagbigay-linaw sa kumakalat na balita. Sa halip na makasama sa charity boxing, pinili ni Baste na unahin ang oras para sa kanyang pamilya sa Singapore, na matagal na niyang plano.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento