Advertisement

Responsive Advertisement

JANUS DEL PRADO KAY AWRA BRIGUELA: "SOBRA KA NA, YOU ARE HURTING THE GAY COMMUNITY!"

Linggo, Hulyo 20, 2025

 



Nagpasabog ng matinding opinyon si Janus del Prado, isang kilalang aktor, matapos niyang direktang batikusin si Awra Briguela sa pamamagitan ng isang viral Facebook post noong Hulyo 18, 2025. Sa kanyang mensahe, tahasang sinabi ni Janus na ang mga ginagawa ni Awra ay hindi na nakatutulong sa LGBTQIA+ community, bagkus ay nakasisira pa raw sa imahe nito.


“Hindi ko layuning manira ng tao, pero may mga bagay na kailangang itama. Hindi lahat ng ginagawa ay makakabuti. Panahon na para pakinggan din ang ibang boses sa loob ng komunidad. Awra. You are doing too much to the point that you are hurting the gay community,” panimula ni Janus.


Ayon kay Janus, tila nagiging entitled na si Awra—na aniya’y nagdudulot ng pagkadismaya at paglayo ng mga dating sumusuporta sa LGBTQIA+ cause.


“People are starting to turn against the entire gay community because of this kind of entitlement. Nadadamay sila sa bashing,” ani pa niya.


Giit pa ni Janus, nasasapawan na raw ang mga lesbian at gay voices, gayundin ang mga biological women, dahil sa labis na pagtuon sa mas sensitibong gender identity topics at pronouns.


“Not to mention overshadowing the identity and attention from biological women, their struggles and their place in society.”


Tinuligsa rin ng aktor ang diumano'y panggagaya ng Pilipinas sa ideolohiya ng kanluranin tulad ng US tungkol sa gender spectrum at neo-pronouns.


“Nakigaya lang naman tayo sa pauso ng US and other western countries about the gender alphabet and neo pronouns… and now, they are suffering the consequences.”


Inilarawan ni Janus na ang mga ganitong kaisipan ay nakasira umano sa Hollywood, sports, at education system ng mga bansa, kaya’t bumabalik na sila sa “two gender policy.”


Binanggit din niya ang pangalan ni Ricky Reyes, isang prominenteng personalidad sa LGBTQ community, na aniya’y mas may alam sa takbo ng kilusan noon pa man.


“Makinig kayo sa mga nauna sa inyong gays… quite frankly, the LGBT community hasn’t been about the Lesbians and the Gays in a very long time.”


Hindi maikakaila na naging matapang ang pahayag ni Janus del Prado. Bagamat kontrobersyal at ikinabigla ng ilan, ito’y nagsilbing paalala na may iba-ibang pananaw sa loob mismo ng LGBTQIA+ community. Habang lumalawak ang kilusan para sa karapatan at pagkilala, dapat din itong samahan ng pagkilala sa respeto, pagkakapantay-pantay ng boses, at mahinahong pag-uusap.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento