Advertisement

Responsive Advertisement

AI-AI DELAS ALAS UMALMA SA MGA COFFEE SHOP NA BAWAL ANG MGA ASO: “HINDI LANG TAO ANG MAY DIGNIDAD, PATI HAYOP!”

Linggo, Hulyo 20, 2025

 



Isang masaklap at nakakabiglang karanasan ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas matapos siyang paalisin mula sa isang kilalang coffee shop kasama ang kanyang alagang aso, si Sailor, isang Pekingese.


Sa isang open letter na kanyang inilathala sa social media, direkta niyang tinawag ang pansin ng pamunuan ng Starbucks Don Antonio, Quezon City dahil sa umano’y kulang sa malasakit at kawalan ng malinaw na patakaran sa mga pet owners.


“Alam kong may rules, pero sana may malasakit. Hindi ko naman pinilit si Sailor sa counter o sa lamesa. Tahimik lang siya. Kaya ang akin lang—konting respeto rin sa mga alaga namin na itinuturing naming pamilya.” -Ai-Ai delas Alas


Noong Hulyo 19, 2025, habang bumubuhos ang ulan, dumaan si Ai-Ai sa nasabing Starbucks para ibili ng pagkain ang kanyang driver at personal assistant. Bitbit niya si Sailor na nakasakay sa stroller, kampanteng pumasok dahil hindi raw niya nakita ang babala na bawal ang alagang hayop.


“Nasa tabi ko si Sailor, tumahol ng isang beses, tapos nilapitan ako ng staff at sinabing bawal daw ang aso,” kwento ni Ai-Ai.


Aniya, naka-order na siya, at halos 30 minuto na siyang nasa loob nang bigla siyang paalisin.


“’Di ba dapat pagpasok ko pa lang, sinabihan na nila ako? Ang laki ng stroller ng aso ko, imposibleng hindi nila nakita!” giit niya.


Bagamat naiintindihan niyang may mga health regulations na ipinapatupad sa food establishments, hindi naiwasang maramdaman ni Ai-Ai na tila may pagkiling laban sa mga hayop, lalo na kung ang mga ito ay inaalagaan nang maayos at nasa loob ng stroller.


“Hindi lang tao ang may dignidad. Pamilya ko si Sailor. Tinanong ko lang kung sana pwedeng mas malinaw ang signage nila para hindi kami mapahiya.”


Ang insidente ay paalala sa ating lahat na hindi lahat ng patakaran ay may kalakip na malasakit. Sa panahon kung saan parami nang parami ang pet owners na itinuturing na pamilya ang kanilang mga alaga, nararapat lamang na magkaroon ng malinaw, makatao, at makahayop na mga patakaran ang mga establisyemento.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento